Tuloy-tuloy pa ring mapapanood ng mga Pinoy abroad sa iWantTFC ang aksyon sa UAAP Season 85, tampok naman ang mga laro sa men’s at women’s volleyball tournaments, pati ang pagbabalik ng men’s football competition.
Sa pagbubukas ng panibagong UAAP volleyball season, nais ng defending women’s champions na NU Lady Bulldogs na masungkit muli ang titulo, sa pangunguna nina Princess Anne Robles, Jennifer Nierva, Alyssa Solomon, Joyme Cagande, at rookie MVP nitong si Michaela Belen.
Matapos naman ang higit tatlong taon, nagbabalik muli ang men’s division tournament nito, tampok ang pagratsada ng NU Bulldogs na maidepensa muli ang tropeo.
Samantala, balik-UAAP rin ang men’s football tournament nito, kung saan tatangkain ng Ateneo Blue Eagles ang back-to-back na kampeonato sa kumpetisyon.
Mapapanood na ang mga laro mula sa UAAP men’s at women’s volleyball tournaments tuwing Miyerkules, Sabado, at Linggo, pati ang men’s football competition tuwing Huwebes at Linggo, 15 minutes pagkatapos magsimula ang live local broadcast, sa iWantTFC, na available lamang para sa mga subscriber sa labas ng bansa.
Available din ang UAAP sa bagong Standard Plan ng iWantTFC, sa halagang USD 4.99* kada buwan (*o equivalent sa local currency ng user). May libreng 7-day access din ang bagong eligible iWantTFC users.
Maaaring i-access ang iWantTFC sa website nito (iwanttfc.com) o sa official app nito sa iOS, Android, at smart devices tulad ng VEWD, ROKU, Amazon Fire, at sa ilang Android smart TVs.
I-follow rin ang iWantTFC sa Facebook (fb.com/iWantTFC), Twitter, at Instagram (@iwanttfc) para sa game schedules.
Para sa iba pang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.