Coach Bamboo, KZ, at Martin, emosyonal sa teaser ng Battle Rounds
Nakatakdang lumaban ang mga batang mang-aawit sa battle rounds, na magsisimula Abril 15 at 16, matapos mapuno ng mga huling contender ang mga team nina Martin Nievera at KZ Tandingan sa “The Voice Kids” noong Linggo (Abril 9).
Napunan ng 11-anyos na si Dylan Genicera mula sa Quezon ang huling puwesto ng Team Supreme ni KZ, habang nakumpleto naman ng 9-anyos na si Jamer Cabacaba mula sa Sorsogon at ang 12-anyos na si Giuliana Chiong mula Misamis Occidental ang MarTeam ni Martin. Unang nakakuha ng 18 na miyembro ang Kamp Kawayan ni Bamboo.
Ipinasilip din sa mga manonood ang mga kaganapan sa darating na battle rounds, na nagpakita ng mga clip nina Martin, KZ, at Bamboo na naging emosyonal.
Samantala, nag-iwan naman ng mga positibong komento ang mga netizen para sa DIGITV guest co-host ng palabas na si Lorraine Galvez, na dating kalahok sa Season 1 ng “The Voice Teens” sa ilalim ng team ni Sharon Cuneta kasama si Jeremy Glinoga.
“Hello Miss Lorraine na ang fresh naman. Parang deserve maging main host,” comment ni @MIKAYGANDA.
Alamin kung sino-sino sa mga mahuhusay na batang mang-aawit ang magwawagi sa Battle Rounds ng “The Voice Kids” tuwing weekend sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC simula 7 pm at sa TV5 (Sabado simula 7 pm, Linggo simula 9 pm). Maaari ring sundan ang “The Voice Kids Philippines” sa YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.