News Releases

English | Tagalog

Coco, Lovi, at cast ng 'FPJ's Batang Quiapo,' may aabangang pasabog live na live sa 'ASAP Natin 'To'

May 05, 2023 AT 09:48 AM

Your favorite weekend afternoon viewing habit goes live anew with surprises from the stars of "FPJ"s Batang Quiapo"

Abangan din ang back-to-back birthday treats nina KD at Maymay, all-star Sarah G tribute, at performances nina Janella at ng bagong TNT grand winner

Live na live ulit ang inyong paboritong weekend viewing habit, tampok ang sorpresang pasabog nina Coco, Lovi, at cast ng "FPJ's Batang Quiapo," back-to-back kaarawan nina KD at Maymay, at marami pang iba ngayong Linggo (Mayo 7) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Saan mang sulok ng mundo, lahat tutok na tutok sa "FPJ's Batang Quiapo." Kaya naman bilang pasasalamat sa pag-arangkada nito sa primetime, may hatid na sorpresa sina Coco Martin at Lovi Poe kasama ang kanilang co-stars sa ASAP stage at kung ano pa ang mga dapat abangan sa teleserye simula May 8 (Lunes).

May back-to-back birthday pasabog naman si KD Estrada kasama ang kanyang KDLex partner na si Alexa Ilacad, at Maymay Entrata tampok ang kanyang bagong single na "Autodeadma." 

Aarangkada rin ang global pop hits performance ng inyong ASAP family with Robi Domingo kasama ang BINI, World of Dance PH" groups Autonomicass at Histacity, pati ang "America's Got Talent" semifinalists na Urban Crew. 

Hatawan to-the-max ang hatid ng ASAP dance royalty na si Kim Chiu, na susundan din ng panibagong "Dance U" session nina Teacher Georcelle, AC Bonifacio, Kyle Echarri, Jeremy G, at Joao Constancia. 

Hindi rin pahuhuli ang collab ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez kasama ang Kapamilya leading lady na si Janella Salvador.

Abangan din ang all-champions biritan nina Angeline Quinto, Jed Madela, Klarisse de Guzman, Jona, JM Yosures, Khimo Gumatay, Reiven Umali, Sam Mangubat, Bryan Chong, Janine Berdin, Sheena Belarmino, Ann Raniel, Fana, at ang itinanghal na bagong grand winner ng "Tawag ng Tanghalan."

At huwag palampasin ang bigating tribute para sa Popstar Royalty na si Sarah Geronimo mula kina Gary Valenciano, Martin Nievera, Erik Santos, Ogie Alcasid, Angeline, at Regine sa "The Greatest Showdown." 

Lahat ng ito, live na live ninyong mapapanood sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. 

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.