News Releases

English | Tagalog

“Cattleya Killer” ni Arjo, mapapanood na sa Prime Video simula Hunyo 1

May 11, 2023 AT 02:28 PM

Unang local series collaboration ng ABS-CBN at Prime Video

 

Mapapanood na simula Hunyo 1 ang Amazon Exclusive crime-thriller series na “Cattleya Killer” na pinagbibidahan ni 2020 Asian Academy Creative Awards Best Actor Arjo Atayde sa Southeast Asia, Hong Kong, Taiwan, at iba pang piling teritoryo na may Prime Video.

Ito rin ang unang local series collaboration ng Prime Video at ABS-CBN na patuloy na nagsusulong sa talento ng Pilipino pati na ng kwentong Pinoy sa buong mundo.

Bukod kay Arjo, bida rin sa six-episode series ng ABS-CBN International Production at Nathan Studios sina Jake Cuenca, Zsa Zsa Padilla, Jane Oineza, Ria Atayde, Ricky Davao, Nonie Buencamino, at Christopher de Leon.

“We're excited to continue pushing the boundaries and to deliver world-class entertainment made by the best Filipino talents,” ani David Simonsen, director ng Prime Video Southeast Asia. “We believe with its gripping storyline, dynamic characters, and stunning performances, Cattleya Killer will keep our audiences at the edge of their seats.”

“Crime stories have always been fan favorites, proven by the success of different true-crime series across different formats and territories,” sabi naman ni Ruel S. Bayani, head of ABS-CBN International Production. “For us, the Philippines' Cattleya Killer is another must-watch, as it tackles the dark human psyche. It also showcases issues rooted in family, government, and society.”

Batay sa classic ‘90s film na “Sa Aking Mga Kamay” ang “Cattleya Killer” sa direksyon ni Dan Villegas, habang isinulat naman ni Dodo Dayao ang script.   

Babalikan ng serye si Joven de la Rosa (Christopher de Leon), ang pulis na nakalutas sa kaso ng “Cattleya Killer” na ngayon ay NBI deputy director na. Isa sa mga top agent ng NBI ang anak ni Joven na si Anton (Arjo Atayde), habang ang panganay niyang si Benjie (Jake Cuenca) ay namamahala ng isang foundation para sa mga kababaihang nakaranas ng trauma. Muli silang mumultuhin ng nakaraan matapos may isang bangkay ng babaeng natagpuan na may bulaklak ng Cattleya sa mukha na istilo ng ‘Cattleya’ serial killer na si Gene Rivera (karakter ni Aga Muhlach sa pelikulang “Sa Aking Mga Kamay”) na gumawa ng maraming karumaldumal na pagpaslang sa Maynila 20 taon na ang nakalipas.

Available ang Prime Video sa bansa sa halagang P149/month. Bukod sa “Cattleya Killer,” pwede ring i-stream sa Prime Video ang iba pang pelikulang Pilipino at serye tulad ng “10 Little Mistresses,” “Deleter,” “Family Matters,” at “Walang KaParis.” Nasa Prime Video rin ang iba pang hit na serye at sine tulad ng “Island and Jinny’s Kitchen,” “Citadel,” “The Lord of the Rings: The Rings of Power,” “The Boys,” “Tom Clancy’s Jack Ryan,” “Fleabag,” at “The Marvelous Mrs. Maisel.”

Para sa ibang updates tungkol sa “Cattleya Killer,” i-follow lang ang Prime Video sa Facebook, Instagram, Twitter, TikTok, at YouTube. Para manood, pumunta lang sa primevideo.com o i-download ang Prime Video app sa Google Play, Apple Store, at Microsoft.