News Releases

English | Tagalog

Shane Bernabe ni Coach Bamboo, tinanghal bilang "The Voice Kids" season 5 grand champion

May 21, 2023 AT 08:19 PM

Coach Bamboo's Shane Bernabe hailed as "The Voice Kids" Season 5 grand champion

Shane Bernabe hailed as "The Voice Kids" season 5 grand champion.

Ang pangalawang "The Voice Kids" grand champion mula sa Kamp Kawayan ni Bamboo

Nakuha ni Coach Bamboo ang pangalawang championship nang hirangin ang Kiddie Pop Rockstar ng Laguna na si Shane Bernabe bilang grand champion ng "The Voice Kids" Season 5 noong Linggo (Mayo 21).

Nakatanggap si Shane ng 51.05% pinagsamang online na mga boto noong Sabado (Mayo 20) at Linggo (Mayo 21), na naging dahilan upang siya ang young artist na umangat sa iba. Bilang grand champion, nakatanggap si Shane ng P1 million cash prize at recording at management contract sa Universal Music Group Philippines.

“Sinabi ko po sa kanila na kahit sino po ‘yung manalo, winner na po talaga kami at winner na rin po kami sa family namin,” pagbabahagi ni Shane. Nais rin daw niyang maka-collaborate ulit si coach Bamboo.

Sa live na grand finals, kinanta ni Shane ang "Somewhere Over The Rainbow" kasama si Bamboo para sa "Duet with Coach" at pinabilib ang mga manonood sa pag-awit niya ng "Sirena" para sa "Upbeat Showstopper.” Para sa kanyang power ballad, bumirit siya ng “Sino Ang Baliw” para sa final showdown.

Samantala, pinuri naman ni coach Bamboo si Shane sa kanyang performance sa kompetisyon. “She’s fearless. This whole weekend, 'yung performance niya from 'Somewhere Over The Rainbow' to 'Sino Ang Baliw,' it's just the range and how difficult the pieces are. They were not simple but she chose to take the hard road, the challenging road, which I liked as a coach,” sabi nito.

Ibinahagi rin ng OPM rock icon na espesyal ang announcement kay Shane bilang grand champion dahil naroroon din sa entablado ang una niyang "The Voice Kids" champion na si Elha Nympha.

“It was a full circle thing to see Elha [at the venue]. But of course I didn't think of it that way. Pero it brings you back. Ilang years na rin 'yun. So it’s special,” sabi nito.

Sa kabilang banda, pumangalawa si Rai Fernandez, ang Emotional Balladeer ng Camarines Sur mula sa MarTeam ni Martin Nievera, na nakakuha ng 40.65% na kabuuang boto, habang si Xai Martinez, ang Enchanting Siren ng Caloocan City mula sa Team Supreme ni KZ Tandingan, ay nakakuha ng 8.30% kabuuang boto.

Nagtala ang pagtatapos ng “The Voice Kids” Season 5 ng higit sa 290,000 na pinagsamang views noong weekend. Naging top trending topic din ito sa Twitter at nakapagtala ng iba pang kaugnay na trending topics.

Hinarana rin ni Moira dela Torre, ang most streamed female singer sa bansa at dating "The Voice" contestant, ang mga manonood nitong grand finals.

Naging hosts ng "The Voice Kids" Season 5 sina Robi Domingo at Bianca Gonzalez-Intal kasama si Jolina Magndangal-Escueta bilang guest co-host, habang nakisaya naman sina Elha Nympha at Jeremy G kasama ang guest co-host na si Lorraine Galvez sa "The Voice Kids" DIGITV.

Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.