News Releases

English | Tagalog

"I'm Feeling Sexy Tonight" ni Viñas Deluxe, umani ng kalahating milyong streams

May 30, 2023 AT 05:44 PM

Viñas Deluxe's "I'm Feeling Sexy Tonight" hits half a million combined streams

Viñas Deluxe's self-love anthem "I'm Feeling Sexy Tonight" has reached half a million combined streams.

Bagong drag sensation sa RuPaul’s DragCon LA

Panibagong milestone ang nakamit ng Drag Pop Misis na si Viñas Deluxe nang pumalo sa halos 500,000 combined streams sa iba’t ibang digital platforms ang kanyang “I’m Feeling Sexy Tonight” single habang iba’t ibang papuri naman ang kanyang natanggap matapos mag-trending ang kanyang performance sa RuPaul’s DragCon sa Los Angeles, California.

Sa unang bahagi ng taon, inilabas ni Viñas ang rendition niya ng “I’m Feeling Sexy Tonight” ni Chona Cruz kung saan iprinodyus niya ang campy at makulay na music video kasama ang creative director na si Ejay Dimayacyac. Ang upbeat dance track ay ang unang single niya bilang recording artist sa ilalim ng Tarsier Records.

Samantala, tampok din siya sa naganap na RuPaul’s DragCon noong Mayo 12 at 13 kung saan nakasama niyang mag-perform ang iba’t ibang tanyag na drag artist. Ibinida ni Viñas ang kanyang impersonation ng “We Belong Together” ni Mariah Carey na inawit niya sa 2006 Grammy Awards.

Umarangkada na sa mahigit isang milyong views sa TikTok ang kanyang impersonation na umani ng iba’t ibang papuri.

“I am obsessed by this performance and the crowd's gone wild. Vinas Deluxe made sure the audience saw every word that's coming from her mouth as if she was Mariah Carey herself. Every inch of the moves was on point,” ani Godzini27.

“It’s not easy reciting exact hand choreography. Not everybody has that to their credit,” komento ni Stevie Tea.

Bukod sa kanyang musical career, nakatakda na ring pasukin ni  Viñas ang pag-arte sa upcoming IWantTFC series na “Drag You and Me” kasama sina Andrea Brillantes, Christian Bables, at JC Alcantara.

Pakinggan ang self-love anthem na “I’m Feeling Sexy Tonight” na available sa iba’t ibang music streaming platforms at panoorin ang music video nito sa ABS-CBN Music YouTube channel. Para sa ibang detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.