“TV Patrol,” napapanood na rin sa TikTok
Maghahatid ng mga balita at trending na mga kwento ang "Patrol ng Pilipino" ng ABS-CBN News sa pamamagitan ng mga vertical short-form na video na mapapanood sa Facebook, Instagram, TikTok, at YouTube.
Layunin ng “Patrol ng Pilipino” na maabot ang mas maraming audience at magdala ng mga content tungkol sa mga trending na balita, at araw-araw na kwento ng pag-asa at inspirasyon.
Bukod sa paghahatid ng mga balita, tampok rin sa “Patrol ng Pilipino” ang mga makabuluhang explainers, mga feel-good na panayam sa kalye, at mga behind-the-scenes footage sa pagbabalita.
“I'm excited to see the people behind the camera being labeled as Patrol ng Pilipino too for they are all part of this mobile and social media journalism,” sabi ni Loreto Laurence Aguilar sa Facebook.
"Ang cutie talaga ng concept nitong #PatrolngPilipino, mabilis nag pababalita na madali lang din maintindihan," sabi ni Twitter user @ALTiwantTFC.
"Hats off to ABS-CBN colleagues for this great new initiative of peeling back the curtain on news gathering and news production. By making our journalistic practice more transparent and accessible to the public, we invite them to take part in the process + promote media literacy," sabi ng mamamahayag na si Jhesset Enano sa Twitter.
Samantala, nasa TikTok na rin ang flagship news program ng ABS-CBN News na “TV Patrol,” kung saan mapapanood dito ang mga reports at mga orihinal na napapanahong content.
Huwag palampasin ang mga trending na balitang hatid ng “Patrol ng Pilipino” sa Facebook, Instagram, TikTok, at YouTube. Maaari ring i-follow ang “TV Patrol” sa TikTok.
Para sa iba pang balita, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.