Struggail shows off her jazzy vocals in new single "Next 2 Me."
Self-composed song tungkol sa nawalang pagkakaibigan
Ibinahagi ng Star Music artist na si Struggail o Gail Banawis ang karanasan niya sa nawalang pagkakaibigan sa bagong single na "
Next 2 Me."
Ang "Next 2 Me" ay isang jazz track na tungkol sa pagkakaibigang unti-unting nawawala at ang iba't ibang emosyon na dala nito. Isinulat ni Struggail ang awitin habang iprinodyus naman ito ng singer-songwriter na si Lian Dyogi.
"This song reaches out to anyone who has experienced an unexpected gradual falling out with a friend, a relative, or even a lover. To anyone who ever questioned if there was anything you could've done to salvage it, you're not alone," aniya.
Nagsimula ang musical journey ni Struggail sa pagco-cover ng iba't ibang awitin tulad ng ballads, rap, at musical theater. Inilabas niya ang kanyang unang single na "Make U Smile" noong 2019 na umani ng mahigit 400,000 streams sa Spotify. Sa pamamagitan ng pagsusulat ng kanta, nais niyang ibuhos ang karanasan sa mga awitin na makakapagbibigay pag-asa sa mga tao.
Bukod sa pag-awit, bumida rin siya sa iba't ibang serye tulad ng "Love at First Stream," "Connected," at ang hit series na "Teen Clash."
Pakinggan ang bagong single ni Struggail na "
Next 2 Me" available sa iba't ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
Tiktok, at
YouTube.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
TikTok, o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.