News Releases

English | Tagalog

Sikat na Pinoy teacher sa US, pinuri ang Rampanalo ng "It's Showtime"

June 13, 2023 AT 03:57 PM

Kinabiliban ng sikat na US-based Filipino Math teacher at YouTuber ang trending segment ng "It's Showtime" na ‘Rampanalo’ dahil sa epektibo nitong pagtuturo ng mathematics sa madlang people. 

 

Ayon sa reaction video ni Peter Esperanza sa kanyang Twitter account (@pedroj0se) noong Sabado (Hunyo 10), "Vice Ganda and Anne Curtis on the importance of accessibility in Philippine education at kung paano ang 'Rampanalo ng @itsShowtimeNaay nagtuturo kung paano mag add, subtract, divide, at multiply ng integers." Sa ngayon, umani na ng halos dalawang milyong views ang kanyang post. 

 

Patunay raw ang 'Rampanalo' na hindi lang saya ang nabibigay ng "It's Showtime” kundi kaalaman din sa manonood. 

 

"Salamat sa @itsShowtimeNa sa pagbibigay ng masaya at makabuluhang programa  para sa lahat. Pati math anxiety ng mga kabataan ay nababawasan nila @vicegandako at @annecurtissmith  sa pagRAMPA ng It’s Showtime Family," sabi niya. 

 

 

Umani rin ng papuri mula sa iba't ibang netizens ang “Its Showtime” dahil sa patuloy nitong paghahatid ng programang akma sa manonood at pakikinig din sa kanilang mga suhestiyon na ikakabuti ng palabas. 

 

Labis naman na nagpasalamat ang hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis sa sinabi ni Peter at ng madlang people. Misyon nga nilang ipagpatuloy ang pagbibigay ng sigla, saya, at aral sa madlang people. 

 

"Maraming salamat po! Para sa ating mga minamahal at nagmamahal sa aming Madlang People!  We continue to chugug for a GVful and an unkabogably brighter chumorrow!," saad ng phenomenal unkabogable star. 

"Awwww why the whole @itsShowtimeNa team (lalo na si sisterette and those behind the camera) stay inspired! Thank you!," reaksyon ni Anne. 

 

Kilala si Peter Esperanza bilang si Numberbender sa YouTube. Sa ngayon, meron na siyang higit sa 300,000 subscribers. Kinilala rin siya noong 2015 bilang isa sa Apple Distinguished Educator ng Apple Distinguished Educator (ADE) Program at Filipino-American Community Hero Awardee sa parehas na taon dahil sa kanyang ginagawang math videos na nakakatulong sa mga kabataan. 

 

Panoorin ang “It’s Showtime,” 12NN mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel,TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din palampasin ang "Showtime Online U" tuwing 11:45 AM sa Kapamilya Online Live.

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.