Catch the amazing performance of Cesca, Maki, and Zion on Fete de la Musique Siargao this June 21.
ABS-CBN Music, makikisaya sa inaabangang ‘world music day’
Kasama ang ABS-CBN Music sa pagdiriwang ng Fete de la Musique PH ngayong taon sa darating na Hunyo 21 (Miyerkules) sa Santa Fe, Siargao tampok ang magagaling na mang-aawit at musikero.
Makikisaya ang Kapamilya artists na sina CESCA, Maki, at Zion Aguirre sa selebrasyong nagmula sa France na ang ibig sabihin ay ‘music day’ at ngayon ay ipinagdiriwang na sa iba’t ibang bahagi ng mundo tuwing Hunyo 21.
Aawitin ni CESCA ang ilan sa mga kanta niya mula sa kanyang debut EP na “
Travel.” R&B hits naman ang hatid ni Maki kabilang na ang kanyang latest song na “
Saan?” Hindi rin mawawala ang tunog electro-pop sa festival na hatid naman ni Zion na aawitin ang kanyang mga kanta kasama ang “
in another life.”
Bukod sa ABS-CBN Music talents na nabanggit, maghahatid din ng iba’t ibang performances ang Shades Of Native, DJ Love, Anima Terra, Unsamani, Free the Robots, Tiger Pussy, La Crema, Thirst Kid, Baybayin Library, Pasal, Jahnerals, Honey Bandits, DJ Ericnem, Salamangka, Mahal, Iris, at si Cerise.
Pinangungunahan ng Lokal Lab ang Fete de la Musique sa Siargao na naglalayong maging pinakamalaking Fete de la Musique sa isang island community. Handog nito ang iba’t ibang tunog para maranasan ng lokal na komunidad pati na rin ng mga turista ang talento sa musika ng mga Pinoy mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, lalo na sa Visayas at Mindanao.
Huwag palampasin ang Fete de la Musique PH sa Siargao ngayong Hunyo 21 (Miyerkules) simula 12 ng tanghali hanggang hatinggabi.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
Tiktok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.