Marina Summers achieves a new milestone with her New York Times Square billboard for Spotify Glow.
Bilang representative ng Pilipinas at Southeast Asia
Bumida ang Filipina drag queen at Tarsier Records artist na si Marina Summers sa isang
billboard sa Times Square sa New York bilang kinatawan ng Pilipinas at Southeast Asia sa Spotify Glow Campaign ngayong Pride Month.
Layon ng Spotify Glow na i-empower ang LGBTQIA+ artists at creators sa pamamagitan ng pagkilala sa kanilang kontribusyon sa larangan ng musika. Bukod sa Times Square, tampok din si Marina sa billboards sa EDSA Guadalupe at EDSA Orense at kasama rin siya campaign video ng Spotify Glow kasama ang mga kilalang queer artists mula sa ibang bansa.
Sinundan ng bonggang milestone na ito ang feature ni Marina sa cover ng Spotify Pride Bahaghari playlist kung saan nanguna rito ang kanyang newest single na “
ride 4 me.”
Samantala, hinirang kamakailan ang “Drag Race Philippines” runner-up bilang Wowlebrity on the Rise sa 2023 Wowie Awards na naganap sa RuPaul’s DragCon sa Los Angeles, California.
Pakinggan ang tinig ni Marina Summers at sundan ang kanyang
artist page sa Spotify. Para sa ibang detalye, sundan ang Tarsier Records sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
TikTok, at
YouTube.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
TikTok, o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.