News Releases

English | Tagalog

May pirmahan: KaladKaren bahagi na ng Star Magic family

June 27, 2023 AT 03:12 PM

Naiyak sa pagpasok sa Star Magic ng ABS-CBN; mga bagong proyekto nakalinya na

 

Isa nang ganap na Star Magic artist si KaladKaren, o Jervi Li sa totoong buhay, matapos pumirma ng kontrata sa talent management arm ng ABS-CBN noong Lunes (Hunyo 26).

“Ang Star Magic kasi has produced the A-listers of the industry since time immemorial. Parang lahat ng sikat at pinag-uusapan, napaka-talented na tao, nangggaling sa Star Magic. It’s such an honor and privilege for me to be a part of this family,” sabi ni Jervi noong contract signing.

Ibinahagi rin niya na magiging parte siya ng isang bagong serye, isang reality show, at isang pelikula bilang Star Magic artist.

Samantala, pinuri ng head ng Star Magic na si Laurenti Dyogi ang karakter ni Jervi noong contract signing.

“Alam mo naman, Jervi, you embody the attributes of what a Star Magic artist is. You stand for excellence, you’re very talented, you stand for other people. Sabi mo nga kanina, gusto mo may silbi ‘yung pagiging artista mo. This is not only to glorify yourself, but really to inspire other people. We’d like to thank you for honoring us with your presence in Star Magic,” sabi ni Direk Lauren kay Jervi.

Sumikat si KaladKaren sa kanyang pagpapanggap bilang si Karen Davila, ang tanyag na anchor ng "TV Patrol" at ANC "Headstart.” Pero ngayon, unti-unti na siyang gumagawa ng sariling pangalan bilang aktor matapos siyang hirangin na unang transwoman na nanalo sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

“I don’t want to be boxed as your impersonator only – of course I’m very grateful sa’yo na ako ang impersonator mo – but I would like people to know that I can do more than that. I want people to realize that I can do something else,” sabi ni Jervi sa panayam kay Karen Davila sa “Headstart” ng ANC.

Sa kasalukuyan, bahagi si Jervi ng “Drag You & Me” ng iWantTFC at ng bagong serye ng ABS-CBN at Prime Video na “Fit Check.”

Bukod sa pagkapanalo niya bilang Best Supporting Actress sa MMFF ngayong taon, si Jervi rin ang unang transwoman news anchor sa bansa.

Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.