News Releases

English | Tagalog

"Pira-Pirasong Paraiso," "Nag-Aapoy Na Damdamin" available rin sa iWantTFC

July 24, 2023 AT 12:12 PM

Ang unang co-production series ng ABS-CBN at TV5

Magliliyab na rin ang mga damdamin sa iWantTFC, ang Home of Filipino Stories, dahil ipapalabas din dito ang inaabangang afternoon shows na “Pira-Pirasong Paraiso” at “Nag-Aapoy Na Damdamin” simula Hulyo 25 (Martes).

Ang dalawang seryeng ito ay para sa kauna-unahang co-production series ng ABS-CBN at TV5 at libreng mapapanood ang unang limang episode ng mga ito sa iWantTFC, habang ang ibang episode ay available naman para sa premium subscribers. 

Ang “Pira-Pirasong Paraiso” ay pinagbibidahan nina Elisse Joson, Alexa Ilacad, Charlie Dizon, at Loisa Andalio, at tungkol ito sa tatlong magkakapatid na pinaghiwalay noong sila ay bata pa lamang. Nakatakdang mag-krus ang kanilang mga landas subalit lalong magkakaroon ng lamat sa kanilang relasyon dahil mananaig sa kanilang mga puso ang galit, poot, at paghihiganti.

Matinding tunggalian naman ang masasaksihan sa “Nag-Aapoy Na Damdamin,” tampok sina Tony Labrusca, JC De Vera, Ria Atayde, at Jane Oineza. Umiikot ang kwento nito sa planong paghihiganti ni Philip (JC) laban kay Lucas (Tony), at kung paano lalong magugulo ang kani-kanilang buhay dahil sa mga babae sa buhay nila na sina Olivia/Claire (Jane) at Melinda (Ria).

Tuloy-tuloy din ang aksyon, drama, at kilig sa iWantTFC dahil pwedeng i-marathon ang paboritong primetime shows kasunod ng pagtutok sa mga afternoon series. Samahan sina Tanggol (Coco Martin) at Apollo (Richard Gutierrez) sa kanilang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo” at “The Iron Heart,” si Alexa/Mila (Janine Gutierrez) sa plano niyang paghihiganti laban sa mga Fiero sa “Dirty Linen,” at alamin ang mga sikreto sa nakaraan nina Rose (Jodi Sta. Maria), Renz (Joshua Garcia), at Alex (Gabbi Garcia) sa “Unbreak My Heart.”

Mae-enjoy ang teleseryeng ito sa iWantTFC app (iOs at Android) o website. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-follow ang www.facebook.com/iWantTFC at @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, mag-e-mail sa support@iwanttfc.com