Pumirma uli ng exclusive contract sa ABS-CBN
Masayang pumirma ang Kapamilya aktres at social media star na si Andrea Brillantes ng panibagong kontrata sa ABS-CBN sa ginanap na “
Keep Shining: The Andrea Brillantes Network Contract Signing” event.
“Nagsimula ako dito sa ABS-CBN I was seven po at naging pamilya ko na po kayo at inaalagaan niyo na ko sa kabataan ko pa lang. Ang saya lang sa pakiramdam na ngayon nag-eenter na ko sa adulthood at kayo pa rin po ang kasama ko," ani Andrea na nagsimulang maging Kapamilya taong 2010.
Inilarawan niya ang kanyang naging journey bilang isang ‘pribilehiyo, tahanan, at masaya.’
"It's a privilege for me na maging Kapamilya artist. Pangalawa, home kasi lahat po sila parang talaga tatay at nanay, parang pamilya magmahal, mag-alaga, at tingnan ka bilang tao. Pangatlo, masaya maging Kapamilya kasi buo kaming pamilya," saad niya.
Dumalo sa contract signing ni Andrea sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN COO for broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN head of TV production at Star Magic head Laurenti Dyogi, at Star Magic handler na si Gidget dela Cuesta.
Dagdag ni Andrea, hindi siya nakakita ng rason para umalis sa ABS-CBN lalo na at maraming proyekto pa ang paparating sa kanya.
“Nandito rin lahat ng kaibigan at pamilya ko at talagang lumaki na ako rito. Kumbaga kasal na ko sa kanila kaya bakit ko sila hihiwalayan at excited po ako sa binibigay nilang projects sa akin,” kwento niya.
Nagsimula si Andrea bilang child star sa gag show na "Goin’ Bulilit” hanggang sa nakilala siya sa kanyang pagbida sa iba’t ibang teleserye tulad ng "Annaliza," "Hawak Kamay," "Huwag Kang Mangamba," at "Kadenang Ginto."
Kamakailan ay binigyang buhay naman ng Star Magic artist ang karakter ng isang drag queen sa iWantTFC original series na "Drag You and Me" na nagtapos nitong nakaraang linggo. Nakatakda rin siyang gumanap ng bagong papel sa upcoming series na "Senior High."