Cool Cat Ash reminisces past relationship in new single "Let You Go."
Self-composed song tungkol sa pagwawakas ng isang relasyon
Pagpapalaya sa isang relasyon ang ibinida ng Star Music artist na si Cool Cat Ash sa kanyang bagong single na “Let You Go.”
"'Let You Go' is a song I wrote that revolves around the concept of right person, wrong time. It talks about the dilemma of deciding whether you should hold onto your hopes of ending up with the one that got away or just let go of them and move on," saad ni Cool Cat Ash.
Ibinuhos din niya ang kanyang damdamin sa pagsulat at prodyus ng kanyang upcoming pop album na nakatakdang ilabas ngayong taon.
“My upcoming album is a compilation of songs I fully wrote and produced about the crazy journey of understanding and seeking love platonically and romantically. My previous singles were leaning towards the genres of novelty and rock. This time, I delved into the world of pop music,” kwento niya.
Maagang nagsimula si Cool Cat Ash sa larangan ng musika. Sa edad na limang taon, nakapaglabas na siya ng album ngunit inihinto niya ang kanyang career upang tumutok sa pag-aaral. Sa kasalukuyan, kinukuha niya ang kursong music production sa Berklee College of Music sa Boston habang nagtatrabaho bilang songwriter, producer, sound engineer, at film scorer.
Bilang recording artist, nakapaglabas na siya ng iba’t ibang awitin tulad ng “Changes,” “Best Friends,” at “Gone Too Soon.” Hilig niya ang pop, rock, at orchestral music at kinikilala niya si Freddie Mercury ng Queen bilang kanyang idolo.
Pakinggan ang bagong single ni Cool Cat Ash na “Let You Go” na available sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.