
Unang inawit ni “Idol Philippines” season 2 winner Khimo Gumatay ang “Sino Ka Ba.” Si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo naman ang over-all producer na siya ring sumulat ng kanta kasama sina Star Pop label head Rox Santos at Kapamilya artist Jeremy G. Dala nito ang mensahe ng determinasyon sa gitna ng pagsubok at patuloy na pakikipaglaban para sa kabutihan.
Samantala, patuloy ang paghahanap ng hustisya sa latest season ng “The Iron Heart” na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez, Sue Ramirez, Jake Cuenca, Dimples Romana, Sofia Andres, at Albert Martinez.
Napapanood ang “The Iron Heart” mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.