News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, Korina Sanchez nilagdaan ang co-production deal para sa “Rated Korina”

July 06, 2023 AT 10:47 PM

Ipapalabas sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC
 

Nagbabalik bilang Kapamilya ang award-winning na mamamahayag na si Korina Sanchez-Roxas nang pirmahan niya ang co-production deal kasama ang ABS-CBN para sa news magazine at lifestyle show na “Rated Korina” ngayong Miyerkules (Hulyo 5).

“I always knew na I was going to be back. I was never not a Kapamilya anyway. You can take the girl away from the birthplace, but you can't take the birthplace away from the girl. In this case, you can't take away the ABS-CBN in Korina because this is where I grew,” sabi niya noong contract signing.

Ibinahagi rin ni Korina ang dahilan kung bakit nagtagumpay ang kanyang palabas na “Rated Korina”.

“The thing about Rated Korina, its longevity is based on the fact that hindi kailanman tayo'y mawawalan ng kwentong totoo mula sa mga tunay na tao and I've always maintained, which was my very first campaign promoting the show in ABS-CBN, that these are the big stories and small lives,” dagdag niya.

Dumalo sa contract signing sina ABS-CBN chairman Mark L. Lopez, ABS-CBN president and CEO Carlo L. Katigbak, COO of broadcast Cory V. Vidanes, OIC of finance group Vincent Paul O. Piedad, at Global Resource Creative Exchange president at talent manager na si Girlie Rodis.

Naglingkod si Korina bilang Chief Correspondent para sa Integrated News and Current Affairs Division ng ABS-CBN sa loob ng mahigit dalawang dekada. Naging mukha siya ng ilang Kapamilya programs tulad ng “Hoy Gising,” “Bandila,” “Balitang K,” “Rated K,” at “TV Patrol.”

Bilang isang news magazine at lifestyle show, magtatampok ang “Rated Korina” ng mga kwento ng inspirasyon ng mga Pilipino mula sa lahat ng antas ng buhay. Mapapanood ito tuwing Sabado simula 6:15 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z, habang 9:45 pm naman sa TV5. Available din ang palabas sa iWantTFC at TFC.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.