Singer-songwriter Dani Zam is the newest addition to the Tarsier Records family.
Pagsisimula ng kanyang journey bilang Tarsier Records artist
Pagkakaibigan na hindi natuloy sa relasyon at iba't ibang what ifs sa buhay ang ibinihagi ng baguhang singer-songwriter na si Dani Zam sa kanyang bagong awitin na "
Beso."
“I think I wanted to start with a song that anybody, whatever gender, race, age could relate to. The concept of ‘hanggang beso’ is so sawi, so quintessentially Pinoy and familiar, and I want the listeners to have that experience recognized, especially ‘cause it’s so human and simple,” saad ni Dani.
Lumaki si Dani sa pamilya ng mga musikero kaya naging natural ang pagkahilig niya sa pag-awit. Sina Stevie Wonder, Justin Timberlake, at JoJo ang ilan sa kanyang itinuturing na musical icons. Noong 2021, inilabas niya ang kanyang self-produced debut EP na "EDEN" tampok ang mga awitin tulad ng “Say It” at “Made of Love.” Sa pamamagitan ng musika, hangad ni Dani na makatulong sa mga tao na ipahayag ang kanilang damdamin.
Ikinuwento rin niya ang kanyang bisyon para sa "Beso" na unang awitin niya sa ilalim ng Tarsier Records.
“The song has a good hook, I think it has definite earworm potential. The kind that gets stuck in your head during a commute or a slow day at work. The song that you dance to with your friends at a bar, that you bob your head to on a weekend road trip, or that you use as the background audio on your newest TikTok video,” aniya.
Pakinggan ang himig ni Dani sa "Beso" na available sa iba't ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Tarsier Records sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
TikTok, at
YouTube.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
TikTok, o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.