News Releases

English | Tagalog

Jeremy G, excited na masilayan muli ang minamahal sa "Pabalik"

August 18, 2023 AT 03:04 PM

Tungkol sa paghihintay at pagnanais na muling masilayan ang minamahal ang bagong kanta ng Kapamilya singer-songwriter na si Jeremy G na “Pabalik” mula sa Star Music.

“‘Pabalik’ gives me the feeling of going back to school! Especially with this song being released during the time when students are going back to school. Going back to a new school year and seeing your crush again after a long time,” ani Jeremy.

Ang dance pop track ay prinodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo habang isinulat naman ito ni Kiko Salazar.

Kwento pa ni Jeremy, karamihan sa kanyang mga awiting isinulat ay nagmumula mismo sa kanyang personal na karanasan at emosyon.

“Music for me is basically an outlet for all of my emotions. Whatever I feel or whatever I experience I feel could be the right motivation for me to write music,” saad niya.

Noong nakaraang taon, inilabas din ni Jeremy ang self-composed at self-produced single niyang “someday” na bahagi ng kanyang debut EP na “maybe forever.” Kamakailan lang inilabas din niya ang awitin na “BINI” kung saan nakasama niya si BINI member Aiah Arceta bilang love interest niya sa music video.

Unang nakilala ang ABS-CBN Music artist nang sumali siya sa “The Voice Teens Philippines” season 1 kung saan naging grand finalist siya sa ilalim ng grupo ni Sharon Cuneta. Kasunod nito, nagpatuloy siya sa paglabas ng mga awitin tulad ng “Sa’yo” na nanalo bilang Best R&B Recording sa 33rd Awit Awards at “Kahit Na Masungit” na hinirang bilang second best song sa Himig 11th edition. Bumida rin siya sa iWantTFC original series na “Lyric and Beat” at kasalukuyang regular performer sa “ASAP Natin ‘To.”

Kiligin sa bagong single ni Jeremy na “Pabalik” na available sa iba’t ibang music streaming platforms.  Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE