Iba’t ibang aral at pananaw sa buhay ang inilarawan ng Kapamilya singer-songwriter na si Lian Dyogi sa kanyang dalawang bagong awitin na “
Tulips” at “
Watercolor Tears” na sabay inilunsad ng Star Music.
Ibinihagi ni Lian sa self-composed at self-produced track na “Tulips” ang istorya ng pag-ibig na pinagtibay ng ginhawa at unos sa buhay.
“‘Tulips’ was originally written as a custom song for a wedding. It’s a song that celebrates the mature love between two people who have been and will continue to go through different seasons of life together,” saad ni Lian.
Sa acoustic-lofi ballad na “Watercolor Tears,” itinampok naman niya ang unti-unting pagkawala ng kumpiyansa sa sarili at muling pagbangon sa mapanghamong mundo.
“Inspired by a comic written by co-writer and friend Ally Publico, ‘Watercolor Tears’ is about what happens when we lose our childhood dreams and start to enter adulthood. The story of both the song and the comic is about this girl who feels disillusioned and jaded by the world,” aniya.
Nagsimula ang musical journey ni Lian nang madiskubre ng record producer na si Jonathan Manalo ang cover songs niya sa Facebook na ibinihagi ng kanyang ama at Star Magic head na si Laurenti Dyogi. Isa rin siyang songwriter at producer na nagnanais magbigay inspirasyon sa pamamagitan ng kanyang musika. Kamakailan, inilabas ni Lian ang awiting “
Only Have Today” na isinulat niya kasama ang Grammy-nominated producer na si Lugo Gonzalez at Grammy-nominated artist Alih Jey. Sumusulat din siya ng awitin para sa ibang Kapamilya singers.
Pakinggan ang “Tulips” at “Watercolor Tears” na available sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
Tiktok, at
YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
Tiktok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.