Isang alamat ng pag-ibig ang hatid ng Kapamilya singer-songwriter na si CESCA sa kanyang bagong labas na album na tinawag na “
Balse ng Gabi.”
Mayroong walong kanta sa folk-pop album na isinulat lahat ni CESCA at prinodyus naman ni Star Pop label head Roque “Rox” Santos. Sumesentro ito sa pag-ibig ng buwan at dagat.
“The tracks are told in the perspective of the sea, with stories of young love, giddy rumors, slow dances, unsaid secrets, betrayal, isolation, and reconciliation that all lead up to an unspeakable kind of of love,” paliwanag niya. “This is for the ones who love lore.”
Ang “
Balse ng Gabi” rin ang titulo ng key track ng album na kolaborasyon naman ni CESCA sa isa pang Kapamilya artist na si Maki. Tungkol ito sa pagiging matapang sa pag-ibig sa kabila ng mga pagsubok.
“The song shows that love is about trust, consistency, understanding, and adjustment. Though they are under compromise, their love will never be,” saad niya.
Kasama rin sa album ang mga awiting “Pamahiin,” ‘Sabi-sabi,” “Himig ni Isa,” “Pakiusap,” “Sigpit,” “Tahan Na,” at “Buti Na Lang.”
Pinasok ni CESCA ang industriya ng showbiz noong nakaraang taon sa pamamagitan ng kantang “Lovesick (Pagmahalasakit)” na nagdala sa kanya sa top spot at cover ng Fresh Finds Philippines playlist ng Spotify at na-feature din sa OPM Rising. Isa naman sa naging theme song ng “Dirty Linen” ang awitin niyang “Kung Makakapili Lang.” Bago ang “Balse ng Gabi,” inilunsad niya ang kanyang unang EP na tinawag na “Travel” sa unang bahagi ng taon. Bukod sa pagiging mang-aawit, si CESCA ay isa ring visual at multimedia artist.
Pakinggan ang musika at kwentong hatid ng “Balse ng Gabi” album ni CESCA na available na ngayon sa iba’t ibang
music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
TikTok
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
Tiktok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.