Binigyan nila ng bagong kulay ang awitin sa pamamagitan ng kanilang pop rendition na inilabas sa ilalim ng Star Music.
Unang inawit ni “Idol Philippines” season 1 contestant Matty Juniosa ang “Sayaw ng mga Tala” na tungkol sa pag-aalay ng pag-ibig sa isang espesyal na tao sa kabila ng kaalaman na hindi ito masusuklian.
Hindi na bago sa industriya ng recording sina Vivoree at Benedix. Kamakailan ay inilabas ni Vivoree ang awitin na “Matapang” at “Dalawang Isip” na patikim sa kanyang solo EP. Bukod dito, bumida rin ang dating “PBB Lucky Season 7” housemate sa iWantTFC series na “Hello Stranger,” “Tara, G!” “He’s Into Her,” at sa primetime series na “The Iron Heart.”
Ang dating “PBB Kumunity Season 10” housemate na si Benedix ay naglabas na rin ng kanyang debut single na “Dito Muna Tayo” at naging bahagi rin ng “Hindi Pa Natin Alam” kasama si Trisha Denise na naging soundtrack ng “Tara, G!” Bilang aktor, bumida rin siya sa “Love in 40 Days” at “Maalala Mo Kaya.”
Pakinggan ang “Sayaw ng mga Tala” na available na ngayon sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.