News Releases

English | Tagalog

Jaclyn Jose, Ivana Alawi kakampi o mang-aapi kay Coco sa "FPJ's Batang Quiapo"?

September 01, 2023 AT 09:16 PM

Abangan sina Soliman Cruz, Vandolph, Robert Seña, at iba pa…

Pangungunahan nina Jaclyn Jose at Ivana Alawi ang mga bagong karakter na magbibigay kulay at dilim sa buhay ni Tanggol (Coco Martin) sa pagbubukas ng bagong yugto ng sikat na Kapamilya teleseryeng “FPJ’s Batang Quiapo.”

Makakasama rin nina Jaclyn at Ivana sa star-studded Kapamilya teleserye ang mga bagong karakter nina Robert Seña, Soliman Cruz, Lao Rodriguez, Jess Evardone, Vandolph, Romy Romulo, Zeppi Borromeo, Michael Rivero, Pambansang Kolokoy, at Haprice.

Nakatakdang harapin ni Tanggol ang mga bagong karakter kasabay ng simula ng pinakamalaking dagok sa kanyang buhay ngayong hinutulan siya ng pang-habang buhay na pagkakabilanggo. 

Sa kabila ng walang katapusang paghihirap at poot na pinagdadaanan ni Tanggol, posibleng tumibok muli ang kanyang puso kapag nakilala niya si Bubbles (Ivana), ang magiging kaagaw ng pinakamamahal niyang si Mokang (Lovi Poe).

Pero hindi lang si Tanggol ang magdudurusa dahil pati ang nanay niyang si Marites (Cherry Pie Picache) ay makakaranas ng sunod-sunod na pagsubok sa pamilya. Gagamitin naman ni David (Mccoy De Leon) ang pagkakakulong ng kapatid upang itodo ang pagpapanggap bilang ang pekeng Tanggol para simutin ang kayamanan ng kanyang tatay. 

Patuloy na kumakapit ang mga manonood sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na mayroon nang higit 2.7 billion total online views mula noong nag-premiere ito noong Pebrero. Dapat abangan sa serye ang mas pinatinding drama at aksyon sa pagpasok ng mga bagong karakter na makakasama ng award-winning stars tulad nina Lovi, Charo Santos, Cherry Pie Picache, Christopher De Leon, at marami pang iba. 

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng ““FPJ’s Batang Quiapo.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.


Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.