News Releases

English | Tagalog

Arjo Atayde, nominado bilang Best Lead Actor sa Asian Content Awards

September 18, 2023 AT 11:37 AM

Kabilang sa iba pang mga tinitingalang aktor

 

Nakakuha ng nominasyon si Arjo Atayde bilang Best Lead Actor para sa “Cattleya Killer,” ang collaboration series ng ABS-CBN International Productions, Nathan Studios, at Prime Video, sa Asian Content Awards (ACA) 2023 na gaganapin sa Oktubre 8 sa Busan, South Korea.

Makakalaban ni Arjo, na gumanap bilang ahente na si Anton Dela Rosa sa serye, ang iba pang kilalang aktor na nagmula sa China, Thailand, South Korea, at Japan.

Bukod sa pagiging most watched series ng “Cattleya Killer” sa Prime Video matapos ang premiere nito, ito rin ang kauna-unahang Filipino produced drama series na ipinalabas sa Marché International des Programs de Communication o International Market of Communications Programs (MIPCOM) sa Cannes.

Ang Asia Contents Awards, na itinatag sa Busan, South Korea, ay isang taunang kaganapan na ipinagdiriwang ang mga tagumpay ng mahusay na nilalaman na ginawa para sa telebisyon, online, at OTT sa buong Asya. Ngayong taon, nakipagsanib-puwersa ang ACA sa International OTT Festival at co-host naman ang Ministry of Science and ICT at Busan Metropolitan City. Layunin nitong palawakin ang topograpiya nito mula sa Asya patungo sa iba’t ibang bahagi ng mundo, makisabay sa pagbabago sa lumalagong industriya ng midya, at paghikayat sa paggawa ng magandang domestic at international content.

Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE