Baguhang queer artist, may ‘pep talk’ sa bagong proyekto
Hatid ng baguhang singer na si Kio Priest ang positibong mensahe ng pagtanggap sa sariling individuality at identity sa kanyang bagong single na “
night time prince,” na mapapakinggan na sa digital streaming platforms simula Biyernes (Setyembre 22).
“It’s like a pep talk from fragments that you love about yourself, telling you to not give up in tough times,” sabi ng queer artist na kilala rin sa kanyang tunay na pangalan na Jasper Lukban.
Si Kio mismo ang sumulat ng upbeat song at siya rin ang nagprodyus nito katulong si Eugene Yaptanco. Ilalabas naman ang kanta sa ilalim ng Star Pop record label ng ABS-CBN.
Lumaki si Kio sa kanyang probinsya na Daet Camarines Norte at sa edad na 17 anyos ay tumungo na sa Maynila para makipagsapalaran bilang songwriter. Sumulat din siya ng ilang commercial jingles at nakapagsulat ng mga kanta para kina Nadine Lustre, James Reid, Enchong Dee, at iba pa.
Ngayon isa nang solo act si Kio na proud sa kanyang bagong pagkakataon sa buhay bilang member ng LGBTQIA+ community. Nais niyang ibahagi ang sariling kwento sa pamamagitan ng relatable songs na hango sa tunay na karanasan.
Abangan ang “night time prince” single ni Kio simula ngayong Biyernes (Set. 22). Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.