News Releases

English | Tagalog

Abangan ang iba pang world-class Pinoy acts sa part two ng 'ASAP Natin 'to Milan'

September 22, 2023 AT 09:18 AM

More world-class Pinoy acts await in part two of 'ASAP Natin 'To Milan'

The showstopping Milan party from your favorite weekend habit continues, bringing more world-class Filipino acts this Sunday on "ASAP Natin 'To," 12 NN

May 'Amakabogera' runway act din si Maymay kasama ang Pinoy designers at ang inyong ASAP Kapamilya

Tuloy-tuloy ang all-star Milan party ng inyong paboritong weekend viewing habit, hatid ang marami-rami pang world-class pasabog mula sa naglalakihang Kapamilya stars at global Pinoy talents sa part two ng "ASAP Natin 'To Milan" ngayong Linggo (Setyembre 24) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Rarampa ang inyong ASAP Kapamilya sa Italian fashion capital na sasabayan ng "Amakabogera" performance ni Maymay Entrata bilang pagpupugay sa mga natatanging Pinoy designer, tampok sina Chona Bacaoco, Lionell Christian Lanuzo, Kim Carandang, at Jocelyn Gacad pati ang likha ni Michael Cinco.

Makisaya sa OPM hits kantahan at sayawan mula kina Bamboo, KZ, Morissette, Klarisse de Guzman, at Angeline Quinto kasama ang Kapamilya leading ladies na sina Kim Chiu at Janella Salvador, pati mga naggagwapuhang heartthrobs na sina Joshua Garcia, Donny Pangilinan, Inigo Pascual, Paulo Avelino, at Piolo Pascual.

Marami pang global Pinoy talents ang magpapakitang-gilas sa ASAP stage, tampok ang Milan-based choir Koro Hiraya, Turin's Filipina singer Monica Bautista, Palermo's Filipino Concert King Armand Curameng, X Factor Italia contender Nizzil Jimenez, singer-songwriter Nico Hidalgo, Pinay nurse Jenika Louisse Duran, at The Coach 2017 Golden Buzzer recipient Sheila Palmas. Sasabayan naman sila nina Angeline, Jona, at Martin Nievera.

Handang-handa na rin ang solo pasabog ni Donny, habang hindi rin pahuhuli ang TikTok hits hatawan nina Maymay, AC, at Joshua. 

Todo-todo rin ang kilig na hatid ng Kapamilya loveteams nina Donny at Belle Mariano, pati nina Joshua at Janella na susundan ng maagang sorpresa mula sa lead stars ng upcoming serye na "Linlang" na sina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Iinit din ang dancefloor sa nagbabagang Latin dance-off nina Belle, Maymay, AC, at Dimples Romana kasama ang ex-PBB housemate at Italy-based Pinay dancer na si Akie Poblete pati ang World of Dance Italia contestants na Hermes dance crew.

Patuloy pa rin ang world-class biritan sa teleserye theme songs duet nina Martin at Lovi Poe, KZ at Klarisse de Guzman, Erik Santos at Angeline, Darren at Janella, Jona at Morissette, pati nina Piolo at Regine Velasquez.

At bilang pasasalamat sa mga dumalo sa bigating Milan show, may inihanda pang sorpresa ang Primetime King na si Coco Martin kasama ang "FPJ's Batang Quiapo" co-stars na sina Lovi, Smugglaz, at Bassilyo, pati nina Moira dela Torre at ang buong ASAP family.

Abangan ang lahat ng ito sa part two ng Milan celebration mula sa  longest-running at award-winning musical variety show, "ASAP Natin 'To," 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.