Sampung lalaki magpapakilig sa unang queer dating reality show
Siguradong kikiligin ang mga manonood ng iWantTFC dahil libre nang mapapanood sa Pilipinas ang “Sparks Camp,” ang unang queer dating reality show ng bansa.
Libreng regalo ito ng iWantTFC, ang Home of Filipino Stories, kung saan maaaring i-stream ang lahat ng episodes sa iWantTFC app (iOS at Android), website, at sa piling devices.
Tampok sa “Sparks Camp” ang sampung lalaking naghahanap ng kanilang “mutual spark” na maaaring magpatibok ng kanilang puso. Unang nagpakilig ang mga camper noong nag-premiere ito noong Mayo kung saan tampok sa serye ang iba’t ibang masasayang challenge at romantic dates para makilala ng campers ang isa’t isa.
Kabilang sa campers ang social media influencer na si Aaron Maniego, tennis player na si Bong Gonzales, video game player na si Alex De Ungria, medical student na si Nat Magbitang, law school student na si Dan Galman, virtual assistant na si Stanley Bawalan, architect na si Karl Bautista, college student na si Justin Macapallag, student jock na si Gabe Balita, at ang business owner na si Nick De Ocampo.
Mula sa direksyon ni Ted Boborol at produksyon ng Black Sheep, kasama rin sa “Sparks Camp” si Mela Habijan, ang kauna-unahang Miss Trans Global, bilang host at “Mother Sparker.”
I-stream ang lahat ng episode ng “Sparks Camp” nang libre sa Pilipinas sa iWantTFC app (iOS at Android) o website. Available rin ito sa standard at premium subscribers worldwide. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.
Para sa updates, i-follow ang www.facebook.com/iWantTFC at @iwanttfc sa X (formerly Twitter) at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.