News Releases

English | Tagalog

Kim, Paulo, JM sagad ang gigil sa mga bagong eksena sa "Linlang: The Teleserye Version"

January 15, 2024 AT 09:01 AM

"Linlang: The Teleserye Version" showcases full-on "gigil" experience with never-before-seen scenes

Aside from featuring new and exciting  scenes, “Linlang: The Teleserye Version” will delve deeper into the personalities of the various characters

Gabi-gabi ng 8:45 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC

Buong-buo nang mararamdaman ang gigil at kaba kina Kim Chiu, Paulo Avelino, at JM de Guzman dahil mapapanood na ang “Linlang: The Teleserye Version” simula Enero 22 kung saan tampok ang mga bagong eksenang hindi pa ipinapalabas. 

Gabi-gabi itong mapapanood ng 8:45 PM pagkatapos ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

Siguradong masasagad sa gigil ang mga manonood dahil bukod sa never-before-seen scenes na ipapakita sa “Linlang: The Teleserye Version,” ipapakilala rin dito ang iba’t ibang kwento ng mga karakter at iba pang mga kaabang-abang na mga sikreto sa likod ng panloloko at paghihiganti sa serye.

Umiikot ang kwento ng serye sa panloloko at pagtataksil ni Juliana (Kim) sa asawa niyang si Victor (Paulo), isang dating sikat na boksingero na naging seaman. Matutuklasan ni Victor na may ibang lalaki si Juliana at ito ay walang iba kung ‘di ang kapatid niyang si Alex (JM), isang matagumpay na abogado.

Magiging tanging misyon ni Victor ang maibulgar ang lahat ng sikreto nina Juliana at Alex pero kapalit naman nito ang pagdiskubre niya sa mga masalimuot na katotohanan na maaaring ikawasak ng kanyang pagkatao at pamilya. 

Paano nagawang lokohin ni Juliana si Victor kasama ang sarili nitong kapatid? Ano-ano pa ang mga sikreto ni Juliana?

Kasama sa cast ng “Linlang” ang mga premyadong aktres na sina Maricel Soriano at Ruby Ruiz, at ang isa sa rising stars ng ABS-CBN na si Kaila Estrada. Kabilang din sa serye sina Jaime Fabregas, Raymond Bagatsing, Albie Casiño, Jake Ejercito, Heaven Peralejo, Adrian Lindayag, Race Matias, Benj Manalo, Lovely Abella, Frenchie Dy, Ross Pesigan, Hanna Lexie, Juno Advincula, Connie Virtucio, Lotlot Bustamante, Meann Espinosa, Danny Ramos, Bart Guingona, Marc Mcmahon, Anji Salvacion, at Kice. Sina FM Reyes at Jojo Saguin naman ang mga direktor ng serye.

Sagarin ang gigil sa panonood ng “Linlang: The Teleserye Version” simula sa Enero 22 ng 8:45 PM pagkatapos ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Linlang: The Teleserye Version.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.