News Releases

English | Tagalog

“Rewind” nakapagtala ng all-time high box office record

January 19, 2024 AT 10:33 AM

“Rewind” sets new record as Philippines’ highest-grossing film

“Rewind” has earned a total gross of P815 million in local sales

Mapapanood pa rin sa Pilipinas, USA, Guam, at Saipan
 
Sa naganap na thanksgiving party ng “Rewind” na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, inanunsyo ng ABS-CBN Films Star Cinema na ito na ang highest grossing Filipino film na nakapagtala ng higit P845 milyon gross sales record sa Pilipinas at ibang bansa.
 
Para naman sa domestic sales, kumita ng P815 milyon ang “Rewind” kung saan nauhanan nito ang dating record holders na may domestic sales na P691 million sa “Hello Love Goodbye” at P660 million naman sa “The Hows of Us,” na kapwa Star Cinema produced.
 
Unang araw palang ng ipalabas ang “Rewind” ay mainit na itong pinag-usapan sa social media, kung saan ibinahagi ng netizens ang kanilang iba’t ibang reaksyon at emosyon sa pelikula. Araw-araw din nagte-trend ang “Rewind,” “Dingdong” at “Marian” sa X (dating Twitter) Philippines.
 
Kasabay ng ingay sa social media ay dinumog din ng mga tao ang DongYan sa iba’t ibang mga sinehan sa kanilang pag-iikot noong ka Paskuhan.
 
Dahil sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa “Rewind,” nagpahayag ng pasasalamat at pag-asa para sa buong film industry ang head ng ABS-CBN Films na si Kriz Gazmen, “I want to share this success with the whole film industry. Finally, after everything that happened, lahat tayo takot na takot sa box office, magkakaroon pa pala ng ganitong opportunity. We also want to share the success of Rewind with all the other MMFF entries, it was a very beautiful MMFF run. This is also a win to all our audiences, salamat sa lahat ng nakapanood,” sabi niya.
 
Hindi rin napigilan nina Dingdong at Marian na maluha habang binabalikan ang karanasan sa paggawa ng pelikula at pag-iikot sa iba’t ibang sinehan sa buong bansa.
 
“Nung binasa namin ni Dong ‘to, siguro bonus nalang na ito yung figure na nakuha natin. Pero sa simula palang alam namin na maraming pinagdaanan ang mga tao nung pandemic, at sabi namin ni Dong, sana gawin tayong instrumento ni Lods para kapag napanood nila yung pelikula mayroon mabago at mas mahalin pa ng mga to ang pamilya nila at lahat ng nakapaligid sa kanila,” pahayag ni Marian.
 
Sa direkyon ni Mae Cruz-Alviar, patuloy na mapapanood pa rin ang “Rewind” sa higit 260 na mga sinehan sa Pilipinas, USA, Guam, at Saipan.
 
Para sa ibang updates tungkol sa iba pang Kapamilya films, i-follow ang ABS-CBN Films sa Facebook, X, TikTok, Instagram, at Threads.
 
Para naman sa ibang balita, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, TikTok, Instagram, and Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.