News Releases

English | Tagalog

Harvey Bautista at Criza, bibida sa bagong serye na "Zoomers"

January 22, 2024 AT 11:19 AM

 

Pagbibidahan ng dating "Goin Bulilit" star Harvey Bautista at dating "PBB" housemate Criza Taa ang pinakabagong youth-oriented series ng ABS-CBN Studios na "Zoomers" simula Lunes (Enero 22) matapos nilang mapagtagumpayan ang madugong auditions at mapabilib ang tatlong kilalang direktor. 

 

Mula sa 18 Star Magic artists, sina Harvey at Criza nga ang napiling gumanap bilang Jiggs at Hope nina ABS-CBN Star Magic and TV production head Laurenti Dyogi, blockbuster film director Theodore Boborol, at "He's Into Her" director Chad Vidanes. 

 

Nakitaan naman ng tatlong director ng talento at potensyal ang dating 'YeY" star na si Luke Alford, commercial model na si Ralph de Leon, at ang dancer na si Krystl Ball para kumpletuhin ang mga main character ng serye. 

 

Iikot nga ang kwento ng "Zoomers" sa barkada nina Jiggs (Harvey), Hope (Criza), Kokoy (Luke), Atom (Ralph), at Tania (Krystl) na nabuo noong kasagsagan ng pandemiya. Sa kanilang pagsabak sa buhay matapos ang pandemiya, samahan ang kanilang barkada sa kanilang pagtuklas sa kanilang mga sarili at kung paano masusubukan ang kanilang pagkakaibigan sa pagdadaanan nilang mga pagsubok. 

 

Para kay Harvey, hindi niya sasayangin ang pagkakataong binigay sa kanya nina Direk Lauren, Direk Ted, at Direk Chad. "Big deal ito para sa akin. Ito yung first project ko with a partner. May kaba konti and excitement. It is something that I've been waiting for, and it's something that I'm thankful for. I want to make them proud. I want to make the bosses proud," he said. 

 

Ayon naman kay Criza, gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para mabigyan-buhay ang kanyang role. "Ito yung first bida role ko under Star Magic at ABS-CBN yung may hawak. Tumatak sa akin na I'm so grateful and thankful na pinagkatiwalaan nila ako sa ganitong role. Ang number 1 na mapapangako ko is ibibigay ko yung 199% sa character ko. Isasabuhay ko si Hope," saad niya. 

 

Sobra rin ang pasasalamat ng mga baguhang artista na sina Luke Alford, Ralph de Leon, at Krystl Ball sa opportunidad na mapanood sa isang seryeng tatalakay sa mga pinagdadaanan ng kabataan ngayon.

 

Ang "Zoomers" ay idinerehe ni Chad Vidanes at isinulat nina Charisse Bayona at Michael Transfiguracion. Abangan din sa serye sina Luis Vera Perez, Kei Kurosawa, Erika Davis, Hadiyah Santos, at Zabel Lamberth.

 

Huwag palampasin ang seryeng  "Zoomers," pagkatapos ng "Can't Buy Me Love, 10:15PM,  sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5. Available din worldwide ang full episodes nito sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.