Patikim sa kanilang bagong album
Makulay at masigla ang imahe ng Filipino pop group na BGYO sa inilunsad na billboard ng kanilang comeback single na “Patintero” na mapapakinggan na simula Pebrero 9 (Biyernes).
Tampok ang BGYO members na sina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate sa billboard na makikita ngayon sa labas ng ABS-CBN Compound sa Quezon City.
Ayon sa grupo, hatid ng “Patintero” ang mensahe ng patuloy na pagbangon sa gitna ng mga pagsubok sa buhay.
“It’s about life na parang kahit gaano karaming obstacles, it doesn’t matter kung manalo o matalo ka. Ang importante alam mong masaya ka at wala kang tinatapakan na tao and you’re a sport,” saad ni Gelo.
Ang “Patintero” ang unang single mula sa kanilang binubuo na ikatlong album. Ikinuwento rin ng grupo na mas naging hands on sila sa kanilang album na siguradong magpapakita ng bagong imahe ng BGYO.
“Mas involved na kami sa lahat ng songs at ini-incorporate yung sarili naming ideas sa lyrics, sa mismong music kaya masasabi namin na very BGYO itong new album,” ani JL.
Isinulat nina Julius James “Jumbo” De Belen at John Michael Conchada ang kanta at prinodyus ni Bojam ng FlipMusic. Ilulunsad naman ito sa ilalim ng Star Music.
Bago ilabas ang kanilang awitin, ipinagdiwang ng “Aces of P-pop” ang kanilang ikatlong anibersaryo sa isang thanksgiving event na “BONFIR3” na naganap nitong Sabado (Enero 27) sa Teatrino Promenade.
Mapapakinggan ang bagong awitin ng BGYO na “Patintero” simula ngayong Peb. 9 sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang @bgyo_ph sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
TikTok, at mag-subscribe sa kanilang YouTube channel,
BGYO Official.
Para sa updates, sundan ang Star Music sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
Tiktok, at
YouTube.