Hindi lang sa Big Dome masasaksihan ang sold-out three-day concert ng BINI dahil mapapanood din saan man sa mundo nang live ang "Grand BINIverse" show sa iWantTFC Pay-Per-View ngayong Nobyembre 16–18 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.
Sa halagang P1,290, may PPV day pass na ang BLOOMs na may kasama pang pre-show at soundcheck footage kapag nag-avail ng "Salamin, Salamin" PPV package nito.
Para naman sa mas bonggang viewing experience, available din ang "Cherry on Top" premium package nito na may kasamang multi-cam access sa kanilang live performances, na nagkakahalagang P2,490 kada PPV day pass.
Mas pinasulit din ang panonood ng lahat ng show dates nito sa iWantTFC PPV, na sa halagang P2,599 ay may three-day PPV passes na sa "Salamin, Salamin" package nito.
PACKAGE |
1-DAY PASS RATE |
3-DAY PASSES RATE |
Salamin, Salamin package |
P1,290 (US $29.99) |
P2,599 (US $59.99) |
Cherry on Top package |
P2,490 (US $49.99) |
P4,999 (US $99.99) |
Mabibili ang pay-per-view passes nito simula Oktubre 15 (Martes) sa iWantTickets (tickets.iwanttfc.com) at sa iWantTFC.com pati sa official app nito (available sa iOS at Android).
Samahan sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena sa pag-perform ng kanilang favorite hits na "Pantropiko," "Salamin, Salamin," "Lagi," at iba pang bigating pasabog sa three-day "Grand BINIverse" concert, na mapapanood nationwide at sa iba't ibang bansa sa iWantTFC Pay-Per-View.
Mapapanood naman nang libre at on-demand ang docuseries nitong "BINI Chapter 1: Born to Win" sa iWantTFC.
Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, the home of Filipino stories, i-follow ang official pages nito sa Facebook, X, Instagram, ay YouTube.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.