Nominado sa 16th PMPC Star Awards for Music
Binalikan ng Kapamilya artist na si Drei Sugay ang mga masayang alaala ng pagsisimula ng pag-ibig sa kanyang bagong single na “Wag Na Lang.”
Nagmula ang inspirasyon ni Drei sa pagsulat ng awitin sa sa isang musical na kanyang ginampanan.
“It was partly inspired by the musicals, sarsuwelas, and musical theater in general. It has a unique way of lyric phrasing, and I tried to capture that feeling sa pagsulat ng song na ito. Couple that with Kundiman vibes, OPM ballad, and rock styling, and I came up with this song,” saad ni Drei na nominado bilang New Male Recording Artist of the Year sa 16th PMPC Star Awards for Music.
Espesyal ang bagong awitin para kay Drei dahil naiiba ito sa alternative rock songs na kanyang inilabas. Sabi niya, “It's a step back from my usual alt-rock compositions, as it passes as a ballad. Though may ibang atake, it is connected to all of my songs. It's one of the stages of the love story created from my previous and future releases.”
Ang “Wag Na Lang” ay iprinodyus ni StarPop label head Roque “Rox” Santos.
Noong nakaraang taon, inilabas ni Drei ang kanyang unang single na “Ganun Talaga” na nakakuha ng mahigit 600,000 streams sa Spotify. Sinundan niya ito ng iba pang mga awitin tulad ng “Iyong Mga Mata,” “Aking Tangi,” at “idk anymore.”
Nakilala ang rising singer-songwriter nang maging bahagi siya ng “The Voice Teens Philippines” season 2 kung saan naging coach niya ang Filipino-American artist na si Apl.de.Ap. Sumali rin siya sa ikalawang season ng “Idol Philippines” at napabilang sa top 12 artists ng singing competition.
“The most valuable lesson I learned through my journey so far is to put your head down, work in silence, and enjoy the process. No drama, no negativity, just keep grinding,” aniya.
Mapapakinggan ang bagong single ni Drei na “Wag Na Lang” ngayong Biyernes sa iba’t ibang digital streaming platforms. For more details, follow StarPop on Facebook, X (Twitter), Instagram, and TikTok.
For updates, follow @abscbnpr on Facebook, X (Twitter), Instagram, and TikTok, or visit www.abs-cbn.com/newsroom.