News Releases

English | Tagalog

Jas, Dingdong, Patrick, Therese at Jarren, balik-bahay bilang House Challengers

October 02, 2024 AT 11:48 AM

Jas, Dingdong, Patrick, Therese, and Jarren return as House Challengers

Joining Jarren as House Challengers are previous evictees Jas, Dingdong, Patrick, and Therese

"PBB Gen 11," binasag muli ang all-time viewership record

Ngayong pitong Housemates na lamang ang natitira, mas hihigpit pa ang kompetisyon nang pabalikin ni Kuya ang mga evictee na sina Jas, Dingdong, Patrick, Therese at Jarren bilang House Challengers na susubok sa kanilang katatagan at samahan ngayong linggo sa "PBB Gen 11."

Matapos ma-evict ang Fil-Brit Housemate na si Jarren nitong Sabado (Setyembre 28), inatasan siya ni Kuya na manatili muna sa loob ng kanyang pamamahay para maging isa sa House Challengers na magpapayanig sa mga Housemate.

Kasama niyang reresbak ang mga nagbabalik-bahay na sina Jas, Dingdong, Patrick at Therese. Sa kanilang unang pasabog, pinangunahan nila ang pagpapalayas sa mga natitirang Housemate at sila muna ang mamamalagi sa loob ng bahay. Pagkatapos nito ay babalik din sila sa outside world.

Samantala, binasag muli ng programa ang all-time online views record nito matapos magtala ng mahigit 606,000 concurrent views sa Kapamilya Online Live via YouTube nitong Sabado.

Nanganganib naman ngayong linggo sina Binsoy, JM, JP, at Rain na mapalabas ng bahay ni Kuya nang mapatawan sila ng automatic nomination matapos mabigo sa kanilang LigTask challenge.

Sa mga nais bumoto, i-download at mag-sign up nang libre sa Maya app, ang official voting partner ng PBB Gen 11. I-tap lang ang PBB icon sa app para makaboto ng mga nominadong Housemate na nais nilang mailigtas, at pwedeng bumoto ng 10, 50, o 110 votes na ibabawas sa Maya wallet. Pwedeng makaboto ng 15 beses kada araw.

Abangan ang latest updates sa "Pinoy Big Brother Gen 11" tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:15 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

Mapapanood din ito tuwing Sabado at Linggo, 8:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC, at 9:30 PM sa TV5.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.