News Releases

English | Tagalog

Angela Ken, naglunsad ng back-to-back singles na "Pansinin Mo Naman Ako" at "Kulimlim"

October 24, 2024 AT 12:46 PM

Puno ng pag-asa at pag-ibig sa bagong musika
Mensahe ng pag-asa at pag-ibig ang ibinahagi ng singer-songwriter na si Angela Ken sa kanyang back-to-back singles na “Pansinin Mo Naman Ako” at “Kulimlim.”
 
Unang single ni Angela ang “Pansinin Mo Naman Ako” sa ilalim ng Inspire Music na umiikot sa pagtitiwala sa plano ng Panginoon. Isinulat ni Jamie Rivera ang awitin habang binuo naman ni Moy Ortiz ng The CompanY ang musika nito.
 
Samantala, ibinida naman niya sa “Kulimlim” ang tapat na pagmamahal para sa isang tao na handa niyang damayan sa gitna ng pagsubok. Isinulat ito mismo ni Angela at iprinodyus ni Nhiko Sabiniano ng Nameless Kids sa ilalim ng Tarsier Records.
 
Kamakailan ay napanood si Angela bilang isa sa mga bida sa musical na  “Once on this Island” at “The 25th Annual Putnam County Spelling Bee.” Una siyang nakilala nang ibinahagi niya ang creative process sa likod ng pagbuo ng kanyang unang single na “Ako Naman Muna” na naging big hit. Noong 2022, inilabas niya ang self-titled debut album na umani ng mahigit 52 million streams sa Spotify.
 
Natanggap niya ng Kapamilya artist ang iba’t ibang parangal tulad ng Awit Awards Best Inspirational Song para sa “Ako Naman Muna” at Catholic Mass Media Awards (CMMA) Best Secular Song para sa “It’s Okay Not To Be Okay.”
 
Available ang bagong singles ni Angela na “Pansinin Mo Naman Ako” at “Kulimlim” sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE