News Releases

English | Tagalog

Shanaia Gomez, haharap sa kadiliman ng impyerno sa iWantTFC Original na "The Gatekeeper"

October 25, 2024 AT 04:17 PM

Shanaia unravels the dark secrets of the underworld in iWantTFC Original "The Gatekeeper"

Uncover the lurking horrors of the underworld in the iWantTFC Original "The Gatekeeper" streaming for free and on-demand on iWantTFC.com and its official app (available on iOS and Android)

Mapapanood din nang libre ang classic horror films na "Feng Shui," "Shake, Rattle, Roll XV," at iba pa sa iWantTFC.com 

Samahan ang Next Gen Multimedia Star na si Shanaia Gomez na lutasin ang kababalaghang bumabalot sa pagitan ng mundong ibabaw at impyerno sa iWantTFC horror original na "The Gatekeeper," now streaming nang libre at on-demand sa iWantTFC.com.  

Sa kanyang kauna-unahang lead role, gagampanan ni Shanaia ang isang antiques dealer na si Cita Mendoza na makadidiskubre ng isang misteryosong aparador, na isinumpa palang magsilbing tulay patungo sa kadiliman—ngayong nagbabadya ring makawala ang mga kaluluwang uugnay din sa kanyang masalimuot na nakaraan.  

Mula sa direksyon nina Matthew at Dean Rosen ng award-winning biopic na "Quezon's Game," ilang taon din ang inabot bago mabuo ang pelikula na kakaiba ang atake nito sa horror genre, tampok ang blend ng biblical elements sa Filipino folklore. 

Aniya ni Direk Matthew sa naunang interview, "I've been working on it since 1984 and it took a lot of research. There's a lot of stuff to get your head around through it. From the initial discovery that I had in the Holy Land of something mystical that happened 3,500 years ago. I have had to research it because it's not very commonly known."  

Samantala, pinuri naman ng mga manonood ang kababalaghan-factor ng pelikula, pati ang pagganap ni Shanaia sa kanyang very first lead role.

"Nakakaloka! Dahil simula pa lang ng pelikula ay gugulatin ka na ng mga katatakutang eksena, plus mga nakakabiglang twists and turns sa kwento. Ito ang unang pagsabak ni Shanaia sa horror genre at masasabi naming pak na pak ang kanyang pagganap!" ika ng Bandera Inquirer entertainment editor na si Ervin Santiago.

"Finally, Filipino film outfits are trying something new. They are experimenting with different takes on the horror genre in the Philippines. If you're up for a religious horror movie, watch 'The Gatekeeper' on iWantTFC," dagdag naman ng content creator na si Jezreel Ely.

Libreng mapapanood ang iWantTFC Original na "The Gatekeeper" sa iWantTFC.com at sa official app nito (available sa iOS at Android). 

Bukod sa "The Gatekeeper," ipapalabas din nang libre ang ilang horror classics na swak sa panonood ngayong Undas, tampok ang sariling picks ni Shanaia gaya ng featuring "Feng Shui," "Segundo Mano," "Seklusyon," "Wag Kang Lilingon," "The Ghost Bride," "Shake, Rattle, Roll XV," at iba pa. 

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.  

Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, the home of Filipino stories, i-follow ang official pages nito sa Facebook, X, Instagram, at YouTube.   

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom