News Releases

English | Tagalog

"ASAP" may pasabog na Grand Kapamilya Homecoming ngayong Linggo

October 03, 2024 AT 08:37 PM

Sumama sa kick-off celebration ng ika-30 anibersaryo ng longest-running Sunday variety show…

 

Handa na ang "ASAP" stage para sa isang Grand Kapamilya Homecoming ngayong Linggo (Oktubre 6) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Sumama sa isang bonggang kick-off celebration para sa ASAP 30 na may all-star opening performance mula kina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Belle Mariano, Alexa Ilacad, AC Bonifacio, Gab Valenciano, Gela Atayde, Ken San Jose, at Jameson Blake.

Ipagpatuloy ang kasiyahan sa pagdiriwang ng kaarawan at concert milestone ni Erik at sa pagbabalik entablado ni Angeline, na makakasama rin ang kapwa OPM icon na si Yeng. Maki-celebrate rin kay Outstanding Asian Star Kim Chiu na may hinandang pasabog na dance performance. 

‘Wag palampasin ang kaabang-abang na collab performances nina Regine at Jeremy Glinoga, Maymay at Denise Julia, at Darren at Morissette.

Abangan ang mas maiinit na numero mula sa BGYO, Dance Sirens na sina Loisa Andalio, Chie Filomeno, at Anji Salvacion, Rockoustic Heartthrobs, Martin kasama ang mga singing champs, at Darren kasama ang new gen champs. Meron ring Sergio Mendes tribute mula sa OPM icons at nakakatuwang kantahan kasama ang viral TikTok sensation na si Miss Catering.

Makisaya rin sa “ASAP” hosts na sina Robi Domingo, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Darren Espanto, Maymay, at Edward Barbers.

Panoorin ang “ASAP,” ang Best Music or Dance Programme sa Asian Academy Creative Awards, ngayong Linggo, 12 NN, sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide sa TFC. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.