News Releases

English | Tagalog

Coco, all-out action sa Cinema One ngayong Nobyembre

October 31, 2024 AT 09:56 AM

Mga pelikulang tampok ang kuwento ng OFWs, mapapanood din

Matinding aksyon at nonstop na katatawanan ang hatid ng “FPJ’s Batang Quiapo” star na si Coco Martin sa kanyang pagbida sa Cinema One ngayong Nobyembre.

Saksihan ang Kapamilya actor bilang Panday sa “Ang Panday” (Nob. 1), gang leader na si Paco sa “Super Parental Guardians” (Nob. 8), bodyguard na si Pol sa “3pol Trobol: Huli Ka Balbon!” (Nob. 15), undercover spy na si Emman sa “Beauty and the Bestie” (Nob. 22), at mabuting pulis na si Jack sa “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” (Nob. 29) sa Friday Action block na mapapanood 9pm tuwing una at ikatlong Biyernes at 10pm tuwing ikalawa at ikaapat na Biyernes.

Isang special tribute din ang handog ng Cinema One para sa international workers dala ang iba’t ibang pelikula na sumasalamin sa sakripisyo at dedikasyon ng OFWs. Tampok sa Pinoy Beyond Borders ng Blockbuster Sundays ang “Milan” nina Claudine Barretto at Piolo Pascual (Nob. 3), “Between Maybes” nina Gerald Anderson at Julia Barretto (Nob. 10), “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards (Nob. 17), at “In My Life” nina Vilma Santos, Luis Manzano, at John Lloyd Cruz na ipapalabas tuwing Linggo, 7pm.

Samantala, mapapanood sa An OFW Special ang mga pelikulang “Sana Maulit Muli” nina Aga Muhlach at Lea Salonga (Nob. 11), “Caregiver” ni Sharon Cuneta (Nob. 12), “Love Me Again” nina Piolo Pascual at Angel Locsin (Nob. 13), “Anak” nina Vilma at Claudine (Nob. 14), “Barcellona: A Love Untold” nina Kathryn at Daniel Padilla (Nob. 15) na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 7pm.

Magniningning naman ang husay ng iba’t ibang Kapamilya leading men sa kanilang pagbida sa Monday Drama. Huwag palampasin ang “Starting Over Again” ni Piolo (Nob. 4), “#WalangForever” ni Jericho Rosales (Nob. 11), “Kasal” ni Paulo Avelino (Nob. 18), at “Love You to the Stars and Back” ni Joshua Garcia (Nob. 25) na ipapalabas tuwing Lunes, 9pm.

Exciting din ang magiging kuwentuhan nina Bianca Gonzalez at Marvin Agustin sa “The B Side” ngayong Nob. 8 (Biyernes) na available sa Cinema One Facebook at YouTube channel. Mapapanood din ang replays nito sa cable tuwing Sabado, 6pm, Linggo, 9pm, at Lunes, 10am.

Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.