Kantang alay para sa pag-ibig na hindi mabitawan
Hindi mabitawan na pag-ibig ang ibinahagi ng singer-songwriter na si JEL REY sa kanyang bagong awitin na “
Bumabalik Pa Rin.”
Sa alternative indie-pop na awitin, ikinuwento ni JEL REY ang hirap ng pag-move on mula sa lumipas na relasyon. Isinulat at iprinodyus niya ito kasama sina Edsel De Guzman ng bandang Drive of Daydreams at StarPop label head Roque “Rox” Santos.
Nagsimula ang musical journey ni JEL REY nang ilunsad niya ang debut single na “hele pono” noong nakaraang taon na umani ng nominasyon para sa Best Performance by a New Solo Artist sa 37th Awit Awards.
Kasunod nito, inilabas niya ang mini album na “TERAPEWTIKA” tampok ang mga awitin tulad ng “Nasa Alapaap Ang Paraluman” at “Tayo (ating istorya).” Nitong Setyembre, nagbalik-musika si JEL REY sa single na “Naiilang” na inalay niya para sa mga matalik na kaibigan.
Inilarawan ng StarPop artist ang kanyang pagsusulat ng musika bilang adventurous na umiikot sa iba’t ibang genre tulad ng rock, hip hop, pop, at soul. Active din siya sa TikTok kung saan ibinabahagi niya ang kanyang musika at songwriting process.
Napapakinggan ang bagong awitin ni JEL REY na “Bumabalik Pa Rin” sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.