News Releases

English | Tagalog

Kapamilya stars ng "Lavender Fields," "PBB Gen 11," at "Pamilya Sagrado," dinumog sa Bida Kapamilya sa Laguna

November 12, 2024 AT 08:32 AM

Mahigit sampung libong fans, nakisaya kasama sina Jodi, JMFyang, at iba pa...
 
Damang-damang ng Kapamilya stars mula sa "Lavender Fields," "Pinoy Big Brother Gen 11" at "Pamilya Sagrado" ang mainit na pagtanggap ng mga taga- San Pedro Laguna na dumagsa at pinuno ang mall sa BidaKapamilya event noong Linggo (Nobyembre 10). 

Bago pa man magbukas ang mall, nakapila na nga ang Kapamilya fans para makita up close ang kanilang mga idolo at mapanood ang ito ng live. Ayon nga sa security team ng mall, umabot sa lampas sampung libong Kapamilya ang pumunta sa event. 

Ani ng lead star ng "Lavender Fields" na si Jodi Sta. Maria, "Napaka-sarap sa loob na makita na maraming sumusuporta na mga taga- San Pedro sa lahat ng ating shows hindi lang sa 'Lavender Fields.' I think ito yung perfect time for us na makisalamuha sa kanila and maging pasasalamat na rin ito sa suporta na ibinibigay nila."

Hindi naman makapaniwala ang big winner ng "PBB Gen 11" na si Sofia "Fyang" Smith sa ipinakitang  pagmamahal ng fans sa kauna-unahang niyang Bida Kapamilya event kasama ang ex-housemates na sina JM Ibarra, Dingdong Bahan, at Patrick Ramirez.  

"Hindi namin ine-expect na ganito karaming katao yung sumuporta at nagmamahal sa amin talaga," sabi ni Fyang.

Bukod sa kanila, nakisaya rin sa naturang event ang "Lavender Fields" teen stars Marc Santiago, Krystal Mejes, Miguel Vergara, at Jana Agoncillo. 

Sunod-sunod namang nagpakitang gilas ang "Pamilya Sagrado" stars na sina Alyanna Angeles, Micaela Santos,  Emilio Daez, River Joseph, Dustine Mayores, Miggs Cuaderno, Valentino Jaafar, Sean Tristan, Beaver Magtalas, Renshi de Guzman, at River Joseph. 

Abangan nga kung saan naman susunod na pupunta ang "BidaKapamilya" sa kanilang patuloy na pag-iikot sa iba't ibang parte ng bansa.

Huwag naman palampasin ang bawat episode ng mga programa ng ABS-CBN Studios na “FPJ's Batang Quiapo,” “Lavender Fields,” at “Pamilya Sagrado” tuwing weekday at “ASAP Natin ‘To” tuwing weekend sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (YouTube and Facebook), A2Z, at TV5.

Makisaya naman tuwing tanghali sa panonood ng “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (YouTube and Facebook), A2Z, GMA, at GTV.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.