News Releases

English | Tagalog

Best-of-the-best performances nina Maja, Lovi, Belle, Alexa, at James, tampok sa "ASAP"

November 22, 2024 AT 12:36 PM

May fresh prods rin mula sa The Juans and Philpop x Himig Handog singers


 

Balikan ang pinakamaangas na pagtatanghal nina Maja Salvador, Lovi Poe, Belle Mariano, Alexa Ilacad, James Reid, at iba pa sa “ASAP” ngayong Linggo (Nobyembre 24) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Mapapanood muli ang mga trending na performance ni Maja kasama ang G-Force, gayundin sina Darren Espanto, AC Bonifacio, Ken San Jose, Jameson Blake, at Jeremy Glinoga na hahataw rin sa “ASAP” stage.

Maki-throwback rin sa all-star opening performance mula kina Lovi, Alexa, Belle, AC, Gela Atayde, Ken, Gab Valenciano, at OPM icons na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto at Yeng Constantino. Subaybayan rin ang nakakakilig na performance mula kay James.

Subaybayan naman ang fresh na awitin mula sa The Juans at sa Philpop x Himig Handog singers na sina Khimo, Kurt Fick, at Ferdinand Aragon. Tuloy-tuloy na ang OPM jamming kasama sina Darren, BGYO, at Dionela.

Samantala, abangan ang kamangha-manghang rendition ng BINI songs mula sa mga “ASAP” champion na sina Jed Madela, Jona, Klarisse De Guzman, Jason Dy, JM Dela Cerna, at Marielle Montellano. May mainit-init na performances rin mula sa Rockoustic Heartthrobs na sina Kobie Brown, Kice, Blackburn, Luke Alford, at Anthony Meneses, at ang Dance Sirens na sina Chie Filomeno, Anji Salvacion, at Loisa Andalio.

Makikanta rin sa classic songs na handog ng OPM icons at makisama na rin sa karaoke session, tampok din ang hosts na sina Robi Domingo, Belle Mariano, Donny Pangilinan, at Edward Barbers.

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.