News Releases

English | Tagalog

Kathryn, kinilala bilang Rising Star sa Asian World Film Festival

November 22, 2024 AT 04:34 PM

Kathryn wins Asian World Film Festival's Rising Star award

Kathryn Bernardo takes home the Snow Leopard Rising Star award at the 2024 Asian World Film Festival held in Los Angeles, California.

Nag-uwi ng panibagong parangal! 

Tinanggap ni Kathryn Bernardo ang Snow Leopard Rising Star na parangal mula sa Asian World Film Festival na ginanap sa Los Angeles, California. 

Kinilala si Kathryn dahil sa kanyang passion at taglay na galing bilang artista, at sa pagmamahal sa kanya ng mga manonood at mga tagasubaybay. 

“It is such an honor to be here, representing my fellow Filipinos and my home network, ABS-CBN. Thank you so much to the AWFF, my family, my mom—who’s here, my friends, my mentors, and to everyone who has believed in me throughout this journey. May we all continue to tell stories that will touch people’s lives,” sabi ni Kathryn sa kanyang acceptance speech.

Ang kasalukuyang pelikula niya na “Hello, Love, Again,” kung saan muli niyang nakapareha si Alden Richards, ay patuloy na gumagawa ng box-office record, hindi lamang dito sa Pilipinas, kundi pati sa ibang bansa. 

Kinikilala ng Asian World Festival ang mga pinakamahuhusay na personalidad at pelikula sa rehiyon, at isinusulong ang kolaborasyon sa industriya ng pelikula. 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE