DonBelle, unang sumalang sa bagong segment ng It's Showtime
Nagbabalik ang isa sa pinakaminahal na segment ng madlang people na 'Trabahula' sa bagong bihis nitong "And The Breadwinner Is" kung saan bibigyan pugay ang mga bayani ng bawat pamilya.
Sa unang episode nito ngayong araw, sinubok ang phenomenal loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano at kanilang madlang partner kung kaya nilang mahulaan ang call center na breadwinner sa tatlong players base sa kilos, kilatis, at katanungan.
Sa kasamaang palad ay hindi nga nila napili ang tamang player at umuwi ang kanilang madlang partner ng consolation prize na P5,000.
Samantala, kinilala nina Vice at hosts ng "It's Showtime" ang tunay na call center at breadwinner na si Ana Marissa de Mesa. Nag-uwi ito ng negosyo package at sapatos. Hindi pa natapos ang blessings na natanggap ni Ana dahil dinagdagan pa ni Vice ang premyo niya ng P20,000 at refrigerator habang naantig din sa kwento niya ang DonBelle at binigyan din siya ng karagdagang P50,000.
Inabangan at tinutukan naman ng netizens ang bagong segment ng "It's Showtime" kaya naman nagtrending ang #AndTheBreadwinnerIsShowtime at ang pagbisita nina Donny at Belle.
Huwag palampasin ang “It’s Showtime,” 12:00PM sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, GMA, GTV, ABS-CBN Entertainment's YouTube channel at Facebook page, iWantTFC, TFC, at GMA Pinoy TV. Tutukan din ang online show ng programa na "Showtime Online U” sa YouTube channel ng It's Showtime.