The 2024 ABS-CBN Christmas shirts, which carries the theme “Our Stories Shine this Christmas,” are now available!
May pangregalo ka na, nakatulong ka pa!
Sa pagpapatuloy nang tradisyon nito taon-taon, inilunsad ng ABS-CBN ang kanilang 2024 Christmas shirts na may temang “Our Stories Shine this Christmas.”
Una nang nakitang suot ng Kapamilya stars sa video teasers ng Christmas ID nito, ngayong pasko, magniningning ang pagkakaisa pati na rin ang bayanihan dahil bilang pagsuporta sa fundraising drive ng ABS-CBN Foundation na “Tulong-Tulong Kapamilya,” ibibigay ng kumpanya ang bahagi ng kikitain nito sa 2024 ABS-CBN Christmas shirts sa mga napinsala nang mga dumaang bagyo ngayong taon.
Sa halagang P360, may pangregalo ka na, nakatulong ka pa. Ang mga may gustong magbigay ng regalong makakapag-regalo rin sa mga nangangailan ngayong pasko ay pwede nang mag pre-order sa authorized partner ng ABS-CBN na Shirts and Prints PH sa Facebook, Lazada, at Shopee.
Ang mga nagnanais magpaabot ng tulong sa lagpas siyam na milyong indibidwal o 2.4 na pamilyang nasalanta ng bagyo, tulad ng pera, tubig, damit, at iba pang in-kind na donasyon, ay maaaring magpadala sa “Tulong-Tulong Kapamilya” fundraising drive ng ABS-CBN Foundation.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.