News Releases

English | Tagalog

Nahanap na pag-Ibig ni John Prats bilang direktor, tampok Sa "Tao Po"

November 30, 2024 AT 09:00 AM

John Prats shares showbiz reinvention journey on “Tao Po”

John Prats shares with MJ Felipe his journey of reinventing himself in showbiz on "Tao Po"

Alamin din ang kwento ng viral “Ice Cream Yummy” at frog hunter mula Bulacan
 

Ibibida ni John Prats kay MJ Felipe kung paano niya mas minahal ang karera sa showbiz mula sa pagiging isang actor at dancer tungo sa pagiging direktor sa "Tao Po" ngayong Linggo (December 1).

Unang nakilala bilang child star sa “Ang TV” noong 1992, nagmarka si John sa industriya sa ilang Kapamilya shows tulad ng “Pinoy Big Brother Celebrity Edition,” “G-mik,” at “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Ibinahagi ni John kay MJ ang kanyang mga napagdaanan noon bilang action, drama, at comedy actor. Ngayon, masaya siya sa showbiz bilang isang direktor ng live events at shows tulad ng “Rainbow Rumble” and “It’s Showtime.” Naging bukas din si John sa iba pang oportunidad, tulad ng construction business ng kanilang pamilya sa Cainta, Rizal.

Binisita naman ni Bernadette Sembrano ang viral 54-year-old TikTok content creator na si Efren Palines o Tatay Peng na nagpa-trending ng sayaw na "Ice Cream Yummy." Sa kabila ng kanyang edad, game na nakikipagsabayan si Tatay Peng sa mga sikat na TikToker matapos maging security guard at tagalinis ng imburnal para masuportahan ang pag-aaral ng anak.

Samantala, samahan si Kabayan Noli de Castro na kilalanin ang frog hunter at single father na si Leonardo Lobiano mula Bulacan na sinisikap na masuportahan ang mga pangangailangan ng ina at mapagtapos sa pag-aaral ang dalawang anak. Mula sa pagiging ulam ng kanyang pamilya, hindi rin akalain na magiging patok ang kanyang hindi-pangkaraniwang kabuhayan nang mag-hit din ang kanyang mga ibinibentang palaka sa kanyang mga kapitbahay.

Abangan ang mga kuwentong puno ng pag-asa at inspirasyon sa "Tao Po" ngayong Linggo, 6:30 p.m. Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News’s YouTube Channel, at iWantTFC.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE