
Tampok sa inaabangang special ang pasabog na performances mula sa ASAP family at cast ng mga programa ng ABS-CBN gaya ng “FPJ’s Batang Quiapo,” “How to Spot a Red Flag,” ”It’s Showtime,” “Incognito,” “Lavender Fields,” “Pinoy Big Brother Gen 11,” at “Saving Grace.”
Nagpakitang gilas rin sa kanilang mga bigating production numbers ang Kapamilya leading men at women, love teams, Star Magic artists, at Star Music hitmakers tulad nina BINI, BGYO, Maki, Maymay Entrata, at marami pang iba.
Samantala hindi rin dapat palampasin ang buong pusong pag-awit ng 2024 ABS-CBN Christmas ID na “Our Stories Shine This Christmas” kung saan nagtipon-tipon ang lahat ng Kapamilya stars sa entablado.
Isa sa mga layunin ng Christmas special ngayong taon ay ang makatulong sa fundraising drive ng ABS-CBN Foundation na “Tulong-Tulong Kapamilya” para sa mga nasalanta nang mga dumaang bagyo.
Ipagdiwang ang Pasko at damhin ang saya ng pagkakaisa sa “Shine Kapamilya: Tulong-Tulong Ngayong Pasko.” Huwag palampasin ang two-part special ngayong ika-14 at 15 ng Disyembre, 8:30 PM, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (YouTube and Facebook), at A2Z.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

