News Releases

English | Tagalog

JC, mapapanood sa bagong ABS-CBN series na "Nobody"

November 06, 2024 AT 12:00 PM

JC to star in upcoming ABS-CBN series "Nobody"

He will be joining lead actor Gerald Anderson in the action-drama series that is set to air in 2025.

Susubukin ang galing sa inaabangang serye

Pagkatapos ng kanyang “Forever Kapamilya” contract signing sa ABS-CBN, ibinalita ni JC De Vera na mapapanood muli siya sa telebisyon sa pamamagitan ng seryeng “Nobody.”

Makakasama niya si Gerald Anderson sa action-drama series na nakatakdang ipalabas sa susunod na taon.

“Dito medyo challenging, medyo matetest ulit yung pagiging aktor ko. Something na hindi pa nila nakikita at hindi pa nila na-eexperience sa akin,” patikim ni JC sa kanyang bagong role.

Bago ito, napanood si JC bilang doktor Sa ABS-CBN at TV5 drama series na “Nag-aapoy Na Damdamin” at kabilang rin siya sa Philippine adaptation ng “Flower of Evil” sa papel naman ng isang police detective.  

Ilan pa sa mga tumatak na palabas ng versatile actor ang “The Legal Life,” “Moon of Desire,” “You’re My Home,” “The Better Half,” “Since I Found You,” “La Vida Lena,” at “The General’s Daughter.”

Pangungunahan ng JRB Creative Production ng ABS-CBN ang “Nobody” sa direksyon nina Benedict Mique at Rae Red.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programa, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, X (Twitter) (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE