The Amakabogerang Influencer ng Mandaluyong, Sofia “Fyang” Smith, who recently clinched the top spot of the “Pinoy Big Brother Gen 11,” sits down with Jeff Hernaez as she shares her “big” plansthis Sunday (November 10) on “Tao Po”
Tampok din sa “Tao Po” ang mga inisyatibo ng isang doktor na tumutulong sa cancer at senior citizen patients at isang driver na may Tourette Syndrome
Samahan ang Kapamilya broadcast journalist na si Jeff Hernaez sa masayang kwentuhan kasama ang Big winner ng “PBB Gen 11” na si Sofia “Fyang” Smith ngayong Linggo (November 10) sa “Tao Po.”
Matapos hiranging ika-18 Big Winner ng hit reality show sa bansa, balik-outside world ang Amakabogerang Influencer ng Mandaluyong na nais ding pasukin ang mundo ng showbiz.
Bukod dito, ibabahagi rin ni Fyang ang kaniyang buhay bago maging housemate ni Kuya.
Samantala, napahanga naman si Bernadette Sembrano sa makabuluhang misyon ni Dr. John Ronquillo na makatulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng online consultations at maintenance medicines sa mga batang may cancer at senior citizens. Inspirasyon niya ang hirap ng buhay na kaniya ring pinagdaanan noon at ang sakripisyo ng ina na itaguyod ang kaniyang pag-aaral mula sa pagtitinda ng isda sa palengke.
Ibabahagi naman ni Kabayan Noli de Castro ang kuwento ng isang ride-hailing driver na si Marlon Fuentes na may Tourette Syndrome. Sa kabila ng kundisyong ito na siyang dahilan ng hindi makontrol o hindi sinasadyang paggalaw ng ibang parte ng katawan, pinipili ni Marlon na maghanapbuhay ng marangal para masuportahan ang pangangailangan ng pamilya
Abangan ang mga kuwentong puno ng pag-asa at inspirasyon sa "Tao Po" ngayong Linggo, 6:30 p.m. Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News’s YouTube Channel, at iWantTFC.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.