Unang PH film na nakalagpas sa P1-B sa box office, napapanood pa rin sa 700 sinehan worldwide
Umani na ng P1.4 billion sa global box office ang “Hello, Love, Again” habang patuloy itong pinapalabas sa 700 sinehan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ito ang unang Filipino film na lumagpas sa P1 billion ang kinita sa local box office. Mahigit din sa $7 million (USD) ang kinita nito mula sa international screening.
Nagpasalamat sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa mainit na suporta ng manonood sa pelikula.
Ani Kathryn, “Thank you for coming home with us through ‘Hello, Love, Again.’ You inspire us to tell more stories of strength, love, and hope.”
Sabi ni Alden, “Thank you for welcoming Joy and Ethan into your home again wherever you are in the world.”
Nagkamit rin ng box office record and pelikulang pinagbibidahan nina Kathryn at Alden sa Middle East. Nakuha nito ang highest opening weekend gross para sa Filipino film sa UAE, KSA, at Qatar at kumita ng $1.4 million sa loob lamang ng isang linggo.
Pumunta sina Kathryn at Alden sa Dubai noong weekend para magpasalamat sa mga sumusuporta sa pelikula.
Ang “Hello, Love, Again” ang kasalukuyang highest grossing Filipino movie of all time na nagmula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana sa ilalim ng Star Cinema at GMA Pictures.
Huwag palampasin sa mga sinehan ang “Hello, Love, Again." Para sa detalye, sundan ang Star Cinema sa
Facebook,
X (formerly Twitter),
Instagram,
YouTube, at
TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.