News Releases

English | Tagalog

Mga malalaking balita ng 2024, babalikan sa “Sa Likod ng Balita 2024: The ABS-CBN Year-End Special”

December 27, 2024 AT 06:04 PM

ABS-CBN News’ “Sa Likod ng Balita: The ABS-CBN Year-end Special” recounts the top stories of 2024

ABS-CBN journalists wrap up the controversial and leading stories of the year as they share their personal experiences and reflections on covering major events and personalities that shaped 2024 this Sunday (December 29) on “Sa Likod ng Balita 2024: The ABS-CBN Year-End Special.”

Ngayong Linggo sa Kapamilya Channel, A2Z, iWantTFC, at ABS-CBN News digital platforms

Sa pagtatapos ng taon, babalikan ng Kapamilya reporters ang ilan sa pinakamalalaking kwentong nagmarka sa taumbayan at mga isyu na bumuo ng taong 2024 ngayong Linggo (December 29), 8:30 p.m., sa “Sa Likod ng Balita 2024: The ABS-CBN Year-End Special.”

Samahan ang mga mamamahayag ng ABS-CBN na nanguna sa pagababalita ng pinapapinag-usapang mga isyu at aktwal na nasaksikhan ang mga kaganapan sa harap at likod ng kamera kasama sina Karen Davila, Victoria Tulad, Viviene Gulla, Johnson Manabat, Katrina Domingo, RG Cruz, at Dennis Datu.

Balikan ang kontrobersyal na pagkakasangkot ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na umano ay nameke ng kanyang pagkatao at ang kanyang kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na lumikha ng ingay matapos ang ilang mabusising pagdinig sa Senado at Kamara.

Tatalakayin din ang kontrobersyal na “extrajudicial killings” at giyera kontra-droga ni Dating Pangulo Rodrigo Duterte na nagbukas ng pinto para maiimbestigahan ang mga kaso na konektado rito sa ilalim ng kanyang administrasyon. Kasama na rin dito ang koneksyon niya umano kay Pastor Apollo Quiboloy na humaharap din sa patong-patong na akusasyon at kaso.

Aalamin naman kung paano nauwi sa hiwalayan ang “unity” ng tambalang BBM-Sara na parehong nakaupo sa pinakamataas na pwesto sa gobyerno matapos magbitiw ni Vice President Sara Duterte sa gabinete bilang Department of Education secretary na sinundan naman ng maiinit niyang tirada kontra kay Pangulong Bongbong Marcos.

Tatalakayin din ang ilang mga kalamidad na kinaharap ng bansa ngayon taon na malalang nakaapekto sa kabuhayan ng mga Pilipino tulad ng paghagupit ng magkakasunod bagyo at pagiging aktibo ng bulkang Taal at Kanlaon.

Sa kabila ng mga hamong kinahaharap ng bansa, tutuklasin naman kung paano nakapagbibigay ng aliw at pag-asa sa buong mundo ang “Nation’s Girl Group” na BINI at pandaigdigang tagumpay ni Two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

Huwag palampasin ang “Sa Likod ng Balita 2024: The ABS-CBN Year-End Special” sa darating na Disyembre 29, 8:30 p.m., na mapapanood sa A2Z, Kapamilya Channel, ABS-CBN News’s Youtube Channel, at iWantTFC.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.